TD 1

272 9 0
                                    

"Tara na kasi Aemilia sama ka na" pagpupumilit saakin ni Roselyn

Nako! Eto talagang si Roselyn

"Nako Roselyn di mo ko mapipilit sa aya aya na yan" sabi ko sakanya

"Libre ko na" sabi niya na parang alam na niya magiging sagot ko

"Arat na" mabilis ko na sabi

Sino ba naman may ayaw sa libre diba

"Bukas puntahan ka namin dyan sa bahay niyo 4pm" sabi ni Roselyn sa kabilang linya at binabaan na ako ng cellphone

Nandito lang naman ako ngayon sa bahay namin at tamang higa dahil wala naman akong pasyente ngayon sa ospital. Ang magulang ko naman nasa bakeshop namin at nagbabantay.

Nako makatulog na nga lang muna!

~~~

Pagkagising ko may kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

"Aemilia baba na at kakain na tayo ng hapunan" sabi ng nanay ko

"Opo nay" bumaba na ako sa kama at nag ayos ng sarili

Bumaba na ako at sinamahan ang magulang ko sa lamesa para kumain. Nag dasal muna kami bago magsimula kumain.

"Nanay, bukas po may pupuntahan kami ng mga kaibigan ko, pwede po ba ako sumama?" Pagtatanong ko sakanila

Nung una para pang nagtataka mga mukha nila "Nako anak anlaki laki mo na hindi mo na kailangan magpaalam saamin ng tatay mo, bahala ka na kung anong gusto mo gawin sa buhay"

"Syempre nay magulang ko parin po kayo kaya kailangan ko muna magpaalam sainyo"

"Saan ba iyang pupuntahan niyo?" Pagtanong ni tatay

"Di ko nga po alam sakanila tay eh basta may pupuntahan daw po kami bukas"

Tumango na lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Nagkwentuhan na lang muna sila ni nanay about sa sweetly sweet bakeshop namin kung magpapadagdag pa ba sila ng mga branches dahil mayroon na silang tatlo.

Pagtapos kumain ako na ang naghugas dahil alam ko naman na napagod din sila nanay at tatay. Pagtapos maghugas naligo na ako at nagbihis ng pajama set ko at natulog muli.

~~~

Pagkagising na pagkagising ko naghanap kaagad ako ng mabibihis na damit para sa pupuntahan namin.

Ano ba yan di man lang sinabi ni Roselyn kung saan kami pupunta para man lang alam ko ang susuotin! Matawagan nga

Pagkatawag ko kay Roselyn sumagot kaagad siya "Bakit Aemilia?" Tanong niya na ang boses ay parang kakagising pa lang

"Nako naistorbo ba kita sa tulog mo?" Pag aaala ko

"Ah hindi noh kakagising ko lang din, anyways bkt ka napatawag?"

Ayt oo nga pala "Anong susuotin ko para sa pupuntahan natin mamayang 4?"

"Kahit ano basta maganda ka"

"Sige bye" binaba ko na ang cellphone ko at naghanap muli sa damitan ko

Pagtapos ng ilang oras nakahanap na din ako sa wakas ng susuotin. High waisted skirt at off shoulder.

Sabi ni Roselyn basta maganda ako eh, edi ito na lang

12pm pa lang naman kaya may oras pa ako para mag ayos ng sarili. Nag laptop muna ako at nagtingin ng mga magiging pasyente ko para sa week na ito. Habang nagtitingin may kumatok sa pinto ko.

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon