Anim na araw na ang lumipas simula nang dumating kami dito sa beach. Sad to say, ngayon na ang panghuling araw namin.
For the rest of the days ang ginawa lang namin; nag picnic date, island hopping, swimming, nag fishing din.
Ngayon tutal eh nagawa na namin almost lahat ng pwede gawin dito, kami ay tutuloy lang sa bahay.
Kakatapos lang namin ni Miguel ngayon mag lunch, kaya kami ay nakaupo sa bamboo made sofa dito sa living room.
Im proud to say na anim na araw lang, rumupok kaagad ako. Atleast aminadoooo!!
"So anong gusto mo pag usapan?" Tanong ni Miguel
"Uhm sige. Bakit kayo magkahalikan ni Allia non?" Deretsyuhan ko na sabi
Past is past naman na kaya wala na akong issue roon. Basta ay wag na magloloko.
Hinawakan ni Miguel ang kamay ko at pinaglaruan ang daliri.
"Nung araw na iyon papunta sana ako sayo pero bigla akong tinawag ni Allia may sasabihin daw sana siya saakin. Nakaalis na non ang mga lalaki kaya wala silang kaalam alam. Ang akala ko na about sa trabaho ang pag uusapan napunta na pala sa usapan na liligawan daw niya ako, syempre tumanggi ako kasi nililigawan kita. Nagpumilit pa rin siya na ligawan ako, hanggang sa napunta sa hinalikan niya ako. Then you came.. nung umalis ka ng araw na iyon I felt like my heart had a missing piece. Like my whole world went from 100 to 0. Cliché but its really what I felt. Lalo na nung makita ko ang laman ng pizza box. Nalaman ko din ng araw na iyon na sasagutin mo dapat ako" nakita ko ang mga luha na tumutulo sa mukha niya, hinarap ko siya saakin at pinunasan ang luha niya "Im so sorry for hurting you Aemilia. Hindi ko sinasadya promise. I know that it was very hard for you to fight, and Im proud that you accomplished it by yourself. Pero ngayon tinutulungan ko na lang si Allia sa anak niya. Promise. Cross my heart hope to be married by you"
Okay na sana yung pag emote niya pero yung huling linya nagpatawa saakin. Pinalo ko siya sa ulo.
"Okay na sana eh, pero bigla mo lang sinabi yung linya" sabay tawa ko pa rin
"Atleast napatawa kita" sabi niya at ngumiti
"Alam ko din na tinutulungan mo lang si Allia. Sinabi niya saakin ang nangyari. Bwiset nga yung lalaki eh. Bigla bigla na lang mag iiwan matapos buntisin si Allia" sabi ko
Niyakap ako bigla ni Miguel "your still the same. Kind and understanding Aemilia as always"
"And yours" sabi ko
"A-anong yours?" Nauutal na tanong ni Miguel at humiwalay sa yakap
"Ibigsabihin ko, yours yung mga kalat mo doon sa kitchen. Maglinis ka na doon, bake bake pa kasi ng cake eh" saway ko
"Atleast nagustuhan mo. O siya baka magalit ka pa, sige maglilinis na ako sa kitchen future wife" sabi ni Miguel at ngumisi sabay kindat
Binatuhan ko siya ng throw pillow pero hindi tumama sakanya kaya tinawanan ako.
~~~
Inaayos ko ang gamit ko ngayon dahil pauwi na kami. Biglang may kumatok sa pinto ng bahay kaya napatigil ako.
Lumabas ako mula sa kwarto na tinutulugan ko. Mukhang naliligo pa si Miguel kaya ako na ang nagbukas.
Bumungad ang isang matandang babae na masa mid 60's pero may pagkabata pa ang itsura.
"Magandang hapon iha. Maari ko ba na malaman sino ikaw?" Tanong niya saakin na may ngiti
"Pasok po muna kayo baka naiinitan po kayo" aya ko
"Mabuti pa nga"
Pinagbuksan ko siya ng pinto. Umupo siya sa sofa. Sinarado ko ang pinto.
"Sino nga po pala kayo?" Magalang ko na tanong
"Ay oo nga pala. Pasyensya na iha at di ako nakapagsabi. Lola ako ni Miguel"
"Ganon po ba. Hello po. Ako po si Aemilia"
"Kaano ano ka ng apo ko?"
"N-nililigawan niya po ako"
"Aba'y ang swerte naman ng apo ko sayo. Ang ganda at mabait ka pa"
"Salamat po" sabi ko at umupo sa tabi niya
Nagkwe-kwentuhan kami ng lola ni Miguel nang makarinig kami ng apak. Napatingin ako sa hagdanan kung nasaan si Miguel na may dalang tuwalya at pinapatuyo ang buhok niya.
"La. Di mo sinabi na dadating ka" pumunta si Miguel sa lola niya at nagmano
"Surpresahin sana kita. Sinabi kasi saakin ni Qeina na dumating ka daw, pero mukhang ako ang nasorpresa"
"Nakilala niyo na po si Aemilia?"
"Aba'y oo. Ang bait at gandang bata. Swerte ka"
Nahihiya akong ngumiti. Nagusap pa kaming tatlo ng ilang oras hanggang sa nagpaalam na kami ni Miguel.
"La. Pasyensya na po, pero kasi kailangan ko na po ihatid si Aemilia sakanila. Sabi ko kasi sa pamilya niya ngayon kami uuwi" malungkot na sabi ni Miguel
"Nako. Okay lang iyon apo, buti nga at tumutupad ka sa usapan para matanggap ka ng pamilya. O siya, ako na maunang umalis"
Nagyakapan kami ni lola at hinatid siya sa sasakyan na naghatid sakanya dito. Pagtapos namin ihatid si lola sa sasakyan niya, sinugurado muna ni Miguel na nakalock na ang pinto ng bahay.
Sumakay na kami sa sasakyan pagtapos ayusin ang mga gamit.
"Ang bait ng lola mo" sabi ko
"Mana ako sakanya"
Napatingin ako bigla sakanya
"Makapal ka din noh"
Tumawa si Miguel. Ilang oras ang nagdaan malapit na kami sa bahay.
As much as I want to go home, aaminin ko. Mamimiss ko si Miguel
"Wag mo ako mamiss masyado Aemilia" biglang sambit ni Miguel habang nagmamaneho
Hinampas ko siya sa ulo "kapal din ng mukha mo noh!"
"Makapal talaga. Kasing kapal ng pagmamahal ko sayo"
Hahampasin ko sana siya ulit ng biglang makarinig kami ng isang malakas na busina.
Napaharap kami at nagulat na lang kami na nasa harap namin ang isang six wheeler truck na papalapit na saamin. Niliko ni Miguel ang sasakyan.
Napapikit ako ng mata. Pagkabukas ko ng mata ang huli ko na nakita ay si Miguel na nagdudugo. Nakita ko na lang na tumama kami sa poste. Napatingin ako sa binti ko nang makaramdam ako ng may dumadaloy. Dugo. Ang huling narinig ko na lang ay mga ambulansya at mga taong naguusap sa paligid. Tuluyan nang dumilim ang paningin ko.
To be continued
//
A. N
Next ; epilogue
BINABASA MO ANG
The Dare
Teen FictionIsa akong ordinaryo na babae na may mga kaibigan na totoo, at may pamilyang nagmamahal saakin ng buong puso. Hanggang sa nakilala ko siya, si Miguel Agosto Monreal. Mula sa tahimik ko na buhay, naging magulo na buhay. Started: May 1, 2020 Ended: Au...