Nagising ako dahil sa lamig ng aircon sa loob ng hotel room. Umupo ako mula sa pagkakahiga.
Tiningnan ko si Miguel na natutulog sa extra foam sa baba. Kinuha ko ang phone ko para makita kung anong oras na. 7am.
Tumayo ako at lumapit kay Miguel.
"Huy gising na. Baka hinahanap na tayo" sabi ko at niyugyog ang balikat niya
Hindi siya gumising
Ang hirap naman gisingin nito!
Nakita ko na namumula mukha ni Miguel. Tinapat ko ang kamay ko sa noo niya.
"Hala! May lagnat ka" sabi ko
Nako! Mukhang mapapatagal pa ata ang tuloy namin dito
Kinuha ko ang wallet ko mula sa dala ko na shoulder bag kahapon. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa elevator.
Lumabas ako ng hotel at hinanap ang convinience store. Pumasok ako sa loob. Naghanap ako ng cool fever at gamot na para sa lagnat.
Bumili na din ako ng pagkain sa malapit na karinderya. Nakabili din ako ng face towel at mga damit namin. Bumalik ako sa hotel room namin.
Pagkapasok ko sa kwarto nakita ko si Miguel na nakaupo na ngayon sa hinihigaan niya.
"Saan ka galing?" Tanong nito
"Nilalagnat ka kaya bumili ako ng mga gamot at pagkain natin" sabi ko
Binaba ko ang paper bag sa may kama. Humarap ako muli sakanya.
Inabot ko sakanya ang face towel "punasan mo na lang muna sarili mo sa banyo"
Tumango siya at kinuha ang panyo mula sa kamay ko. Binigay ko na din sakanya ang binili ko na cargo shorts at tshirt para sakanya.
Nang pumasok siya sa banyo lumabas ako dala ang binili ko na pagkain sa malapit na karinderya.
Buti na lang binigyan ako ng may ari ng karinderya ng plastic plates, bowls at utensils.
Nilagay ko sa plastic bowl ang sopas na binili. Inayos ko lahat ng pagkain sa lamesa.
Sakto ang labas ni Miguel mula sa banyo. Kinuha ko na din ang binili ko na damit at sunod na pumasok ng banyo.
Paglabas nakabihis lang ako ng oversized shirt at shorts.
Umupo ako sa harap ni Miguel
"Kain na!" Masaya ko na sabi
Kumain naman kaming dalawa. Ako na din ang naglinis ng pinagkainan namin. Pinagpahinga ko muna si Miguel sa sofa. Ayaw daw niya kasi sa kama muna dahil gusto daw niya ako makita.
Kilig ako ng slight! Hehehe!
"Nasabi mo na ba sa pamilya mo?" Tanong ni Miguel na nakahiga sa sofa
"Ay oo nga pala hindi pa. Sige tawagan ko lang"
Umalis ako sa living room at kinuha ang phone ko sa kwarto.
"Hello" sagot ni mommy sa tawag
"Mommy. Mananatili pa kami ng isang araw dito sa hotel. Kasi po nagkasakit po si Miguel dahil sa ulan" paliwanag ko
"Ganon ba. Sige alagaan mo iyang future asawa mo ha!"
Aangal sana ako pero binaba na ni mommy ang tawag. Napailing na lang ako.
Supportive mamshie
Lumabas ako ng kwarto at nagtungo kay Miguel.
"Sabi daw ni mommy mag ingat na lang daw tayo" sabi ko "ikaw ba natawagan mo na pamilya mo?" Tanong ko
BINABASA MO ANG
The Dare
Teen FictionIsa akong ordinaryo na babae na may mga kaibigan na totoo, at may pamilyang nagmamahal saakin ng buong puso. Hanggang sa nakilala ko siya, si Miguel Agosto Monreal. Mula sa tahimik ko na buhay, naging magulo na buhay. Started: May 1, 2020 Ended: Au...