TD 20

72 2 0
                                    

Nagising ako dahil sa pag sarado ng pintuan. Napatingin ako sa paligid.

Nasa kwarto nga pala kami ni Liona

Tumingin ako sa orasan

Shet! 2pm na pala!

Ginising ko sila isa isa

"Huy! Gising na! 2pm na!" Sabi ko sakanilang tatlo at pinagbabato ng unan

Nagising naman sila at pumipikit pikit pa ang mata. Unti-unting nanlaki mga mata nila ng narinig ang sinabi ko.

"2pm?!" Sabay sabay nilang sabi

Tumango ako. Sabay kaming apat bumaba papunta sa living room. Nakita namin silang naka upo lahat doon at nanunuod ng movie. Napatingin naman sila saamin.

"Good afternoon. Mabuti naman at gumising na kayo. Kumain na kayo. May lunch na doon sa lamesa" sabi ni Jarred

"Hindi ba tayo aalis ngayon?" Tanong ni Roselyn

"Nope. Nag decide kami na rest day ngayon. Puro alis tayo the last two days eh" sabi naman ni kuya Xyrone

Napatango kaming apat. Pumunta nalang kami sa dining room at kumain ng natirang lunch.

Pagtapos kumain nagpunta kami sa kanya-kanya naming kwarto para maligo. Nagbihis ako ng jagger at sweater.

Bumaba ako sa living room. Umupo ako sa tabi ni Miguel. Pagkaupo ko umusog si Miguel.

"Huy, anong problema mo?" Bulong ko sakanya para di marinig ng iba

"Wala" sagot niya

Nagkibit balikat na lang ako. Bumaba na din sila Roselyn at nakinuod ng movie.

Natapos ang movie bandang 3pm.

"Anong gusto niyo gawin na?" Tanong ni kuya Brian

"Star gazing tayo" suggest ko

Tumango naman sila

"Sige. Mga 6pm sa may beach side tayo" sabi ni Jarred

Umakyat na kami sa kwarto. Humiga lang ako sa kwarto at nag scroll sa social media.

Nakalipas ang ilang oras ng panunuod ko ng vlogs.

"Aemilia, baba na daw tayo!" Sabi ni Roselyn sa labas ng pinto

Narinig ko ang apak ng paa kaya siguro umalis na siya. Di na ako naligo dahil sobrang lamig.

Lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa shore. Nakita ko silang naglalatag ng malaking blanket.

"Nandyan ka na pala Aemilia" sabi ni Olivia

Tumango ako at tinulungan sila sa pag aayos. Umupo kaming lahat ng maayos na ang blanket.

"Ang ganda pala ng ganito" sabi ni Roselyn

Sumangayon naman kami. Nag picture pa kaming lahat.

"Tiktok tayo!" Biglaang aya ni Liona

Umayaw naman kami

"Ako!" Biglang sabi ni kuya Dian

Nagulat pa si Liona at namula ang tenga

"S-sige h-halika" utal na sabi ni Liona at pumunta sa may malayong lugar kung saan magandang makikita ang dagat

"Naiilang pa rin siya noh?" Bulong saakin ni Olivia

Tumango ako. Nakailang bilang na ako ng mga stars nang biglang makarinig kami ng sigaw ni Liona.

"Hindi kasi ganyan!" Reklamo niya at tinuro ang tamang steps kay kuya Dian

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon