"Bilisan mo Aemilia mahuhuli tayo eh" saway ni Roselyn saakin
Kasi naman inaya ulit ako nito sa isa sa mga concerts ng kuya niya. Eh alam naman niyang ayaw ko sa concerts pero sabi niya saakin ililibre niya daw ako ng kahit anong gusto ko.
Syempwii dahil may libre gora naman aker!
Ngayon tuloy nandito lahat ng magtrotropa sa kwarto ko at sinasabihan ako na bilisan ko kumilos dahil mahuhuli na kami sa call time.
Pumunta na ako sa banyo at naligo. Nagbihis ako ng oversized hoodie at nagpangilalalim ng maong shorts.
Pagkalabas ko ng kwarto lahat sila nakatingin saakin.
"Bakit? May mali ba?" Tanong ko
"Bakit ganyan suot mo? Para namang gagala lang tayo" sabi ni Olivia
"Okay na toh basta may suot"
Bumaba na silang lahat dahil sabi ko hintayin na lang ako doon habang nag aayos ako sa sarili ko.
Nagpatuyo na lang ako ng buhok at naglagay ng cheek at lip tint. Nagsuot na lang ako ng converse high cut at nagdala ng sling bag para sa lalagyanan ng mga gamit ko.
Tiningnan ko muna sa sarili ko ang itsura ko. Long and wavy hair, pale skin, petit height.
Bumaba na ako dahil baka sigawan na nila ako dahil late na talaga kami. Pagkababa ko nakita ko sila na kausap ang magulang ko. Nang makita nila ako nagpaalam na sila at lumabas na ng bahay.
Sumakay kami sa sasakyan ni Olivia, dahil wala ngayon si Jarred at pinuntahan ang girlfriend niya sa QC.
Pagdating namin sa venue tumakbo na kami papunta sa concert hall. Pagkarating namin madami ng tao ang naroon.
Taray namern! Sikat talaga sila
"Doon tayo oh" sabay turo ni Roselyn sa may pangalawang section ng upuan na malapit sa stage
Ilang minuto lang din nagsimula na ang concert. As usual sayaw dito, kanta doon ang ginawa nila. Pagtapos ng concert nag fansigning muna sila kaya nag aya si Roselyn na pumunta na lang kami sa backstage at doon maghintay sakanila.
Pagpunta doon pinapasok na kaagad kami.
Siguro sinabihan ni kuya Rome na darating kami.Umupo kami sa sofa at naghintay sakanila. Habang naghihintay may pumasok na babae na nasa mid 40's na.
"May I ask who you girls are?" Tanong niya saamin
Tumayo si Roselyn "Hello po, ako po yung kapatid ni kuya Rominin, ako po si Roselyn"
Tinuro niya kami "at itong mga kasama ko po ay kaibigan ko po""Oh your Rominin's sister, nice to meet you, Im Cornilla Mondra, but just call me tita Nilla" at nakipag shake hands siya saamin
Nagpakilala kami isa isa sakanya at nagusap na din kami. Nag uusap kaming lahat ng pumasok na sila kuya Rome.
"Hi po tita Nilla" sabi nilang lahat sabay sabay
"Oh siya aalis na ako girls at may aasikasuhin pa ako eh" ngumiti siya saamin at humarap sa mga lalaki na seryoso ang mukha "at kayong mga lalaki magsiligpit na kayo ng gamit para makaalis na kayo dito"
"Grabe naman po kayo tita Nilla, may favortism na po ba kayo at mas mabait kayo sakanila" nagtatampo na sabi ni kuya Brian
"Tseh!" Umalis na siya at iniwan kami sa loob
"Anong sabi sainyo ni tita?" Tanong ni kuya Xyrone at naupo sa harap namin
"Sabi niya kung sino sino daw dinadala niyo na babae dito" akusa ni Leona
BINABASA MO ANG
The Dare
Teen FictionIsa akong ordinaryo na babae na may mga kaibigan na totoo, at may pamilyang nagmamahal saakin ng buong puso. Hanggang sa nakilala ko siya, si Miguel Agosto Monreal. Mula sa tahimik ko na buhay, naging magulo na buhay. Started: May 1, 2020 Ended: Au...