TD 13

67 3 0
                                    

"Good morning doc" bati saakin ni Lia pagpasok ko ng clinic

"Good morning" sabi ko at ngumiti

Umupo na ako sa swivel chair at naghintay lang ng pasyente. Habang naghihintay may tumawag sa telepono ng opisina.

"Hello" sabi ko

"Yes doc Aemilia. Pinapatawag po kayo ni sir Jhuano" boses ng nurse

Si sir Jhuano ay ang head doctor dito sa ospital.

"Ah sige saan ba yan?" Tanong ko

"Sa may front desk po"

Binaba ko na ang tawag at pumunta sa front desk. Nagpaalam muna ako kay Lia na pinapatawag ako.

Nang makarating sa front desk nakita ko si sir Jhuano na may kasamang mukhang bagong doctor na lalaki.

"Good morning po" bati ko sakanila ng makalapit ako

Ngumiti sila parehas saakin "good morning doc Aemilia"

"Ah doc bakit niyo po pala ako pinatawag?" Deretsyahan ko na tanong

"Ito si Vinny Gryro Kinest. Siya ang bagong Pediatrician doctor natin. Gusto ko sana as one of the finest Pediatrician in our hospital, ikaw sana ang mag tour sakanya" sagot ni doc

"Okay lang naman po. Walang problema" sabi ko at ningitian si doc Vinny

"Salamat Aemilia ha. May pupuntahan pa kasi ako eh kaya di ko magawa. Maiwan ko na kayo" at tuluyan na siyang umalis at naiwan kami ni doc Vinny

Pinagmasdan ko siya. Mga nasa 5'6 ang height niya. Maputi ang balat. Wavy and clean hair. Gwapo sya.

"Done looking at me?" Biglang sabi ni doc Vinny kaya napabalik ako sa katotohanan

"Yes. I was just looking at you if you really are a doctor" pagiiba ko ng sagot

Tumango lang siya

"Now if you mind. I will tour you around the hospital building" sabi ko at nauna ng maglakad

Grabeh ka self! Muntik ka ng mahuli doon ah!

~~~

Matapos ng tour ko sakanya nakaupo lang kami ngayon sa isang nearby cafe.

"So. What do you think?" Tanong ko

"Its big" tanging sagot niya lang

Tumahimik ang paligid saglit. Kinuha ko na lang ang coffee ko at uminom.

Tahimik naman na tao nito!

"So doc Aemilia. Saan ang clinic ko sa ospital?" Pagbabasag niya ng katahimikan

"Ah oo nga pala nakalimutan kong sabihin sayo. Nagtext kanina saakin si doc Jhuano. Sabi niya yung bakanteng clinic sa harap ng clinic ko" pagsagot ko

Tumango siya muna "so we will see each other often I guess"

"Yup"

Grabi english ni koya mo ghorl! Di ko kinakaya

"How old are you?" Tanong ko dahil sobrang tahimik talaga

"Im 29. You?"

"24"

"Young"

"Yup. And your old" sabi ko na ikinagulat ko dahil sa isip ko lang dapat yon

Mukhang nagulat siya dahil napatigil siya sa pagkain ng Vanilla cake niya. Akala ko magagalit siya pero tumawa lang siya.

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon