TD 12

63 4 0
                                    

Humarap ako sa humigit sa braso ko.

"Oh nandito ka din pala Aemilia" sabi ng nanay ni Miguel

Owemjhii! Thank you Lord!

"Ay opo. Last day na po kasi namin ngayon dito sa Baguio. Naisipan po ng pamilya ko na bumili muna kami bago umalis" sagot ko habang nakangiti

"Ganon ba. Eh ano ba ang binibili mo?" Tanong niya

"Ah wala naman po tumitingin lang ako. Sinamahan ko lang po kapatid ko na babae dito"

"Ganon ba. Sige sana eh magkita pa tayo. Bye"

Nang umalis na ang mommy ni Miguel pinuntahan ko si Kyline na nagbabayad ng pinamili niya.

"Saan mo gusto pumunta ate?" Tanong niya saakin pagkabayad

"Ah wala naman. Ikaw?"

"Wala na din akong gusto bilhin ate eh"

Sakto ng naguusap kami nagtext si mommy saakin at sinabi na pumunta kami sa restaurant na kinaroroonan nila.

Yass ghurl! Pod!

Pagkapasok namin ng restaurant naroon na silang lahat at mukhang mag o-order pa lang ng pagkain.

"Sakto dating niyong dalawa. Anong gusto niyong kainin?" Tanong ni daddy

Pagkasabi namin ng order namin umalis na rin ang waiter.

"Kamusta. Anong napamili niyo?" Tanong ni mommy

"Nako ma. Si kuya Clyd di bumili. Nag chick hunting" sumbong ni Blue

Tumawa kaming lahat maliban kay Clyd na masama ang tingin kay Blue.

"Hoy! Anong chick hunting di kaya" tanggol ni Clyd

"Wews kuya! Kita ko sa sarili ko na mata kanina tumingin ka sa isang babae na maganda eh"

"Di ko siya tinitingnan"

"Kwento mo sa pagong kuya"

Natigil ang pag asaran nila ng dumating na ang in-order namin na pagkain para sa dinner.

~~~

Pagtapos namin kumain bumalik na rin kami pabalik sa hotel dahil kailangan namin umalis bukas ng bandang 6am dahil may gagawin daw sila daddy sa music company nila.

Di ko pa pala natatanong sino sino ang artist na nag-i-stay sakanila

Nang makapasok ako sa kwarto nilapag ko muna ang pinamili na damit sa tabi ng bagahe ko at kumuha ng pantulog at naligo.

Kakahiga ko pa lang ng may tumawag sa phone ko.

Huwawerz! Tumatawag si haring Miguel na ubod ng kasamaan

"Oi bkt?" Tanong ko

"Tsk. Gusto ko lang sabihin na ang ganda ng kulay ng buhok mo. Geh night" at binaba niya ang tawag

Haluh! Nakita niya ako kanina! Malamang self kakasabi nga lang diba. Pero bkt ganon parang may washing machine sa tyan ko? Haluh may washing service na ba tyan ko? Aish! Matutulog na nga lang ako baka mawala pa. Tama tama

~~~

Nasa van na kami ngayon at malapit lapit na sa bahay. Nagsuot na lang ako ng denim shorts at sleeveless turtleneck.

Nang makarating ng bahay dala ko ang bagahe ko paakyat sa kwarto. Maya maya daw aalis daw sila mommy at daddy papunta ng company. Si Clyd naman eh may gala kasama barkada. Si Blue at Kyline may bibilhin na libro para advance reading.

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon