Day 2 na kami ngayon sa baguio. Sabi kanina ng mga grown ups sa breakfast, pupunta daw kami ngayon sa Wright Park, Baguio Museum, at Baguio Cathedral.
Kaya ngayon nasa loob na kami ng van papunta sa Baguio Cathedral. Pagkarating namin lumabas na ako sa van. Hinangin ang aking blue floral sundress sa lakas ng hangin.
Buti na lang pala nagdala ako ng pink parka ko. Kundi lalamigin ako ng todo dito.
Nagpunta kami sa loob ng cathedral at umupo sa may bandang gitna. Madami dami din ang tao pagpasok.
Lumuhod kami at nagdasal. Pagtapos namin sa cathedral nagpunta naman kami sa Wright Park. Kanina nag search ako about doon, at sabi ay may horse back riding daw.
Nakarating na kami sa Wright Park. Naghiwa-hiwalay ulit kami dahil ang grown ups ay maghahanap ng table para paglagyan ng mga binili namin na pang lunch. Kami naman magkakapatid sa horse rides.
"Solo solo tayo?" Tanong ni Blue
Tumango naman kami. Sumakay na kami sa kanya kanya naming kabayo. Nag pa-picture pa kami sa isang tao na nagbabantay ng mga kabayo.
Nagpasyal kami sa park gamit ang kabayo. May nakita pa kaming mga mag couple na naglalandian.
"Sana all!" Sigaw ni Clyd ng malakas
Tiningnan tuloy kami. Tumatawa kaming apat habang nag papasyal.
Pagtapos ng horse riding session namin nag text na si mommy para pumunta kami sa nahanap nilang table. Nang makarating nakahanda na ang binili namin kaninang pagkain pagpunta dito. Picnic session.
Habang kumakain may makikita kang mga batang naglalaro. Mga matatandang tamang stroll lang sa park.
Pagtapos namin kumain nag group picture muna kami at selfie bago umalis. Pinost ko ang isang picture sa Instragram ko.
Habang nasa byahe papunta ng Baguio Museum tiningnan ko muna ang Instagram post ko kanina.
Comments :
RoselynMin : Sana all maganda :((
JarJar : Sa susunod tayong lahat
Li_Li : Ganda nung background
Olivia.Here : Sana all may jowa tingnan mo bg
RomeMin : huwaw!
BrianKeyn : sana all nasa Baguio
XyXy : Yo!
Dian_Lim : Ingat!Mga loko! Pinag loko picture ko!
Nagpop up ang chat head ng gc namin.
Group chat :
Liona : wews Olivia? Wag kami. May ka date ka nga tapos magsasabi ka ng sana all
Olivia : oy! Di yon date. Friendly pasyal lang ganon
Roselyn : wews? Friendly pasyal. Di na uso yon ngayon
Jarred : @Liona. Inggit ka lang eh kasi di ka crush ni Dian hahahaha!
Liona : isa pa @Jarred. Sasabihin ko kay Krizel kung ilan ang naging flings mo
Jarred : sige sabihin mo. May tiwala naman saakin yon. Bleeeh!
Minute ko muna ang gc dahil nakarating na kami sa Baguio Museum. Pagkalabas may mga taong nakapila sa entrance.
Syempre nag entrance muna kami. Pagkapasok ng museum makikita ang iba't ibang yaman ng Baguio.
Nag video ako at nilagay sa ig story ko. Nag story din ako ng boomerang namin magkakapatid.
Habang naglilibot kami may mga babae ang nakatingin kala Clyd at Blue. Ang dalawa naman eh feel na feel dahil kunyari inaayos pa nila ang buhok nila.
Luh? Mga kapatid. Okay lang kayo?
"Hoy mga kuya. Feel na feel?" Asar ni Kyline sakanila
Tumawa ako sa sinabi niya. Sila Clyd at Blue naman ginulo lang ang buhok ni Kyline kaya nainis si Kyline.
BINABASA MO ANG
The Dare
Teen FictionIsa akong ordinaryo na babae na may mga kaibigan na totoo, at may pamilyang nagmamahal saakin ng buong puso. Hanggang sa nakilala ko siya, si Miguel Agosto Monreal. Mula sa tahimik ko na buhay, naging magulo na buhay. Started: May 1, 2020 Ended: Au...