Nakabihis na ako ngayon ng oversized hoodie at jaggers. Pauwi na kami ngayon ulit si Pilipinas.
Kagabi nang maikwento ko sa mga babae ang nangyari sa "date" namin ni Miguel hindi na nila ako tinatanan kung may nararamadaman na ba ako para kay Miguel.
Kinuha ko na ang luggage ko at lumabas ng kwarto. Nilagay na namin ang mga gamit namin sa likod ng van.
Pagkarating namin sa airport dumiretsyo kami sa private airplane ni Jarred.
"Kailan ang kasal niyo?" Tanong ko kay Krizel
"Siguro next month" sabi niya
"Best wishes" sabi ko
Pumunta na ako sa upuan ko. Natulog na lang ako buong byahe.
~~~
After ng ilang oras nakarating na kami sa Pilipinas.
"Ingat kayo!" Sabi ni Roselyn na kasama si kuya Rome
Ay shemz! Nakalimutan ko nga pala wala ang sasakyan ko. Mag taxi na lang ako
"Sabay ka?" Biglang tanong ni Miguel na bigla bigla sumulpot sa gilid ko
"Nako. Hindi na" tanggi ko
"Halika na" bigla niya akong hinatak papunta sa sasakyan niya
"Uy wag na" patuloy ko na pagtanggi
Hindi niya ako pinakinggan at pinagbuksan ako ng pinto. Bumuntong hininga na lang ako at pumasok.
"Last day na natin ngayon sa challenge" sabi ni Miguel habang nagmamaneho
Oo nga pala...
"Oo nga pala noh" sabi ko at nagkunwari na masaya
Aba! Di ko alam anong mararamadaman ko. Masaya ako na nangyari yung challenge dahil naranasan ko magkajowa for the first time. Pero malungkot dahil matatapos na
Tama na sana yung daan papunta ng bahay namin pero biglang nag iba ng daan si Miguel.
"Uy saan tayo pupunta?" Tanong ko at humarap sakanya
"Kain muna tayo ng lunch" sabi niya
Sabagay gutom na din ako eh
Tumigil kami sa harap ng korean restaurant.
"Samgyup!" Tili ko
Tumawa si Miguel. Bumaba ako ng sasakyan at pumunta sa entrance ng restaurant.
"Sabi na eh gusto mo ng samgyup" sabi ni Miguel
Ningitian ko lang siya at pumasok sa restaurant. Nag-eat all you can kami.
Yie! Samgyup!
"Kain na!" Sigaw ko at kumain ng madami
Habang kumakain biglang nakarinig ako ng click ng camera. Humarap ako kay Miguel.
"Kung gusto mo ng picture ko sendan na lang kita" sabi ko na pabiro
"Okay"
Nagulat ako sa reply ni Miguel
"Huy nagbibiro lang ako" sabi ko
"Ako hindi. Kaya send me your pictures" sabi niya sabay labas ng phone
Nag alinlangan pa ako maglabas ng phone ko at magbigay ng picture. Nang mabigay ko ang pictures ko nakita ko pa na ngumiti si Miguel, pero binawi niya ng makita ako na tumitingin sakanya.
Biglang may nag notif sa phone ko ng kumakain ako. Binuksan ko ito. Gulat na tumingin ako kay Miguel.
"N-nagsend k-ka ng p-pic m-mo?" Utal ko na tanong at hinarap sakanya ang phone
BINABASA MO ANG
The Dare
Teen FictionIsa akong ordinaryo na babae na may mga kaibigan na totoo, at may pamilyang nagmamahal saakin ng buong puso. Hanggang sa nakilala ko siya, si Miguel Agosto Monreal. Mula sa tahimik ko na buhay, naging magulo na buhay. Started: May 1, 2020 Ended: Au...