TD 9

56 3 0
                                    

"Ms. Aemilia" tawag ng worker saakin

Kinuha ko ang frappe ko at bumalik sa upuan ko. Nandito ako ngayon dahil may sinabi saakin si nanay na may makikipagkita daw saakin dito.

Habang naghihintay nag laro muna ako games sa phone ko. Di rin tumagal may umupo sa bakanteng upuan sa harap ko.

Tinaas ko ang tingin ko at nakita na isa siyang nasa 40's na babae. Ngumiti ako sakanya.

"Hello po. Goodmorning. Ako po si Aemilia Mika Delfier" pagpapakilala ko

"Goodmorning also Aemilia. I'm Josellina Maria Vinios" pagpapakilala niya

"Bakit niyo nga po pala ako gusto makita?" Tanong ko

Ngumiti lang siya saakin "nothing, I just wanted to see you"

Okay. Officially weird okeh

"Ah ganon po ba hehe"

Akward mamsh!

"How old are you Aemilia?" Tanong niya

"24 yrs old po maam"

"Just call me tita Maria"

Tumango ako

"Paano nga po pala kayo kilala ni nanay?" Tanong ko sakanya

"Were friends" sabi niya

Nagkwentuhan lang kami saglit ni tita Maria dahil tumawag si Lia at kailangan daw ako sa ospital. Nagpaalam na ako kay tita Maria at sumakay ng sasakyan ko papunta sa ospital.

Nang makarating ako sa clinic sinalubong ako ni Lia na puno ang schedule ngayon.

Natapos na ako sa trabaho ng mga 10pm na rin. Pinauwi ko na muna si Lia at sinabi na ako na lang mag aayos ng clinic.

Pagtapos ko maayos nagpunta na ako sa sasakyan ko para dumaan sa isang fast food na bukas pa.

Nag drive thru na lang ako at nag order ng burger and fries. Umuwi na rin ako kaagad para makapagpahinga.

~~~

Nagising ako dahil sa mga sigawan sa baba. Pumunta kaagad ako dahil baka mamaya kung anong mangyari.

"Ma, sabihin na natin sa bata kawawa naman siya at wala siyang kaalam alam" sabi ni tatay

Nagtago na lang muna ako sa dingding at nakinig.

"Da, paano kung di niya tanggapin?" Naluluha na sabi ni nanay

Anong di tanggapin? Nako kung arriange marriage chu chu yan syempre yaw ko!

"Mabait na bata at maintindihin si Aemilia" sabi niya

Lumabas ako sa tinataguan ko at tumikhim para makuha ang atensyon nilang dalawa.

"A-aemilia kanina ka pa ba dyan?" Tanong ni nanay at pinupunasan ang luha niya

Lumapit ako kay nanay at niyakap siya

"Nay ano po yung sasabihin niyo saakin?" Tanong ko

Nagtinginan si nanay at tatay

"Kumain muna tayo ng almusal" aya ni tatay

Sumunod kami ni nanay at pumunta sa dinning area. Umupo ako at nagsimula na mag almusal. Nakikita ko tatay at nanay na pasulyap sulyap saakin.

"Nay, tay. Ano po ba ang sasabihin niyo?" Tanong ko

Nagtinginan pa silang dalawa na parang maglalaban sino ang magsasalita. Sa huli si tatay ang nagsalita dahil under siya kay nanay.

"Paano pag nalaman mo na di ka namin anak?" Tanong ni tatay

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon