TD 14

63 3 0
                                    

Nagising ako dahil sa alarm ng phone ko. Pinatay ko ito at umupo sa kama.

Another day. Another morning

Pumunta ako sa damitan ko at kumuha ng plain white shirt at yellow knee length skirt. Kinuha ko ang towel at nag shower na sa banyo.

Tinuck-in ko ang shirt sa skirt at nagsapatos ako ng doll shoes. Inipit ko sa messy bun ang buhok ko. Kinuha ko na ang doctor's robe ko at handbag.

Bumaba na ako sa kitchen. Nakaupo na silang lahat at mukhang hinihintay ako. Kumain na kami ng almusal.

"Aemilia diba sira sasakyan mo?" Tanong ni mommy

Ay shet oo nga pala!

"Oo nga po pala" sabi ko

"Sumabay ka na lang kay Clyd" suggestion ni mommy

Tumingin ako kay Clyd na nag pho-phone "okay lang sayo Clyd?"

Tumango lang siya. Mukhang may ka-text.

Pagtapos ng almusal sumabay ako kay Clyd. Sa passenger seat ako umupo.

"Ate saan nga ulit yung ospital?" Tanong niya

Sinabi ko ang address at nilagay naman niya sa GPS. Sinundan niya ang way sa GPS.

Nang makarating kami sa tapat ng ospital nag paalam muna ako kay Clyd at bumaba na sa sasakyan.

Pagkababa ko sumalubong sa mata ko ang mukha ni Miguel na nakakunot.

Ang aga naman nitong dumating! Akala ko mamaya pang hapon

Lumapit ako kay Miguel

"Good morning. Aga mo ata ah" sabi ko at ngumiti

Tumingin muna siya sa umalis na sasakyan ni Clyd bago ako tiningnan.

"Sino yon?" Tanong niya

"Anong sino?" Tumingin pa ako sa paligid

"Yung naghatid sayo"

"Ah yun ba. Si Clyd yon"

"He's your?"

"My brother"

Nagulat pa mukha niya "brother? Ang alam ko wala kang kapatid ah"

"Long story short. Yung nanay at tatay ko na nakita mo last time eh sila ang nag ampon saakin. Tapos ngayon nakatira na ako sa bahay ng totoo ko na mga magulang. At nalaman ko na may apat ako na kapatid. Isa na don si Clyd"

"Ah ok" sabi niya lang

Tumingin ako sa likod niya kung nasaan ang sasakyan ko.

"That's my car right?" Paninigurado ko

"Yup. Its fixed. Just had a problem with the machine" sabi niya at binigay saakin ang susi

Dumaan ang saglit na katahimikan

"Uhmm may pupuntahan ka ba ngayon?" Tanong ko

"Wala" sagot niya

"Gusto mo sumama sa clinic ko?"

"Sure"

Nilagay ko muna sa handbag ko ang susi ng sasakyan at nauna ng maglakad sakanya. Sinundan naman niya ako.

Pagkarating namin sa clinic nagulat pa si Lia na may kasama ako.

"Good morning doc" bati niya saakin pero na kay Miguel ang tingin

"Good morning din"

Pumasok na ako sa office ko

"You can seat there" sabay turo ko sa may bean bag

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon