Ngayon nandito kami ni Miguel sa arcade. Nasa harap kami ngayon ng basketball machine. Kung saan mag sho-shoot ng mga bola sa hoop.
"Ano? G ka?" Tanong niya saakin
"G"
"Basta kung sino matalo. Manlilibre ng ice cream" sabi niya pa
Tumango ako. Parehas kami pinindot ang start button at sabay na nagshoot. Sumilip ako kay Miguel at nakitang 12 na ang score niya saakin naman 10 pa lang.
Kaya mo yan Aemilia!
Nang matapos ang game nanalo ako at si Miguel ang talo. Buti na lang tinuruan ako ni Clyd maglaro ng basketball pag may free time siya.
"Bleeh! Talo ka pala eh!" Asar ko sakanya habang palabas kami ng arcade at papunta ng ice cream store
"Tsamba lang yon" angal niya
Nag aasaran kami pero natigil ng nasa harap na kami ng ice cream store. Pumasok kaming dalawa at pumila.
"Hello po. Ano pong order niyo?" Tanong nung babae sa counter
"Cookies and cream po" sabi ko
"Mint chocolate" sabi ni Miguel
"Size po ng cup?" Tanong nung babae
"Large po" sabi ko bago makasagot si Miguel
Libre naman niya eh. Sulitin na natin. Hahaha!
Binigay na saamin ang order kaya lumabas na kami ng ice cream store at naglibot libot sa mall.
"Bakit nga pala kayo nandito?" Tanong ni Miguel habang kumakain ng ice cream
"Inaya kami ni Olivia eh. Libre daw niya"
"Sinabi na niya sainyo na nanliligaw si Brian?"
Napahinto ako
"Alam mo?" Tanong ko
"Syempre. Nagpatulong saamin yun kung paano siya manliligaw eh. Unang relationship niya kasi si Olivia kaya di alam gagawin"
Tumango lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Napatigil ako sa harap ng baby store.
Ako ang nagaalaga ng mga bata as a Pediatrician doctor pero wala pang bata. Dami na nga nagsasabi saakin kailan daw ako magkaka-anak eh
"Gusto mo tumingin?" Tanong bigla saakin ni Miguel
"Ah hindi napatingin lang ako" sabi ko
"Halika na" hinila niya ako papasok sa baby store
Nang makapasok kami meron mga mag a-asawang bumibili ng gamit.
Biglang may lumapit na saleslady sa tabi namin.
"Hello po. Newlyweds po kayo?" Tanong niya saamin
"Hindi po" sabi ko sakanya
"Eh kung ganon ano po kayong dalawa?" Tanong niya
"Magkai-" di ko natuloy dahil nagsalita kaagad si Miguel
"Magjowa po kami ms" sabi niya
"Ay sakto bagay na bagay po kayong dalawa" sabi ng saleslady
"Planning for the future po ba kayo?"
"Opo eh. Gusto na daw po kasi ng girlfriend ko tumingin" sabi ni Miguel
Luh. Fake news
Tumango si ate at ningitian kami parehas bago naglakad sa tumawag sakanya.
BINABASA MO ANG
The Dare
Teen FictionIsa akong ordinaryo na babae na may mga kaibigan na totoo, at may pamilyang nagmamahal saakin ng buong puso. Hanggang sa nakilala ko siya, si Miguel Agosto Monreal. Mula sa tahimik ko na buhay, naging magulo na buhay. Started: May 1, 2020 Ended: Au...