TD 4

75 5 0
                                    

Nang makarating kami sa tutuluyan namin na hotel nagpunta kami sa reception area. Si kuya Brian na ang nag tanong ng mga kwarto namin habang kaming natira umupo muna sa sofa.

Pagbalik ni kuya Brian tumingin kami sakanya.

"Bale lima lang daw ang kwarto natin. Kaya ang iba saatin kailangan mag sama sama" sabi niya

"Kami na lang magkasama ni Leona" sabi ni Olivia

Tumango si kuya Brian at tumingin saaming dalawa ni Roselyn "edi kayong dalawa ang magkasama" tumango kami

"Kayong mga lalaki sino magkakatabi sainyo?" Tanong ni kuya Brian

"Tabi na lang kami ni Dian" sabi ni kuya Rome

"Ako gusto ko mag isa" sabi ni Miguel

Tumingin si kuya Xyrone sakanya.

"Hoy! Ako gusto ko mag isa" sabi ni kuya Xyrone

"Ako nauna" sabat ni Miguel

Nagpatuloy sila sa pagagawan hanggang sa napagdesisyonan na mag bato bato pic.

Luh! Tanda tanda na nag gaganyan pa sila. Charuwt lang ako nga din pala nakipag ganyan. Sabi ko nga mananahimik na lang utak ko

Nanalo sa laro ay si Miguel kaya ibigsabihin magkatabi si kuya Xyrone at kuya Brian.

"Tsamba!" Sabi ni kuya Xyrone

Nag make face si Miguel at ginaya ang boses ni kuya Xyrone. Tumawa kaming lahat.

Nagsipunta na kami sa sarili namin rooms. Pagpasok namin ni Roselyn sa room namin, puro siya kulay white at gray ang mga furnitures.

"Ligo lang ako" sabi ni Roselyn

Tumango ako. Nag ayos ako ng mga gamit ko at inilagay sa may cabinet.

"Roselyn anong gagawin natin ngayon?" Malakas ko na sabi dahil nasa banyo si Roselyn

"Magpapahinga daw muna tayo sabi ni kuya Rome tapos bukas na lang daw magsimula ng mga gusto gawin" sigaw ni Roselyn

Naghanap na lang muna ako ng masusuot para sa pagkain namin mamaya ng dinner. Nilabas ko na lang ang oversized tshirt ko at nagpajama para sa pang ibaba.

Walang pakielaman ng trip. Dito ako komportable

Habang naghihintay kay Roselyn para matapos sa pag ligo tumawag si Miguel sa cellphone ko.

"Oh bakit? Miss mo ko noh yieeee" pang aasar ko sakanya

"Kapal mo! Tinawagan lang kita dahil pinapasabi ni Brian na bumaba daw mamaya after 10 minutes"

Pagtapos sabihin ni Miguel yon binabaan na niya ako ng tawag.

Ayt! Pikon much!

Lumabas na si Roselyn sa banyo kaya pumasok na ako para maligo. Pagtapos maligo binihis ko na din ang damit na napili ko kanina.

"Yan talaga susuotin mo?" Tanong ni Roselyn

Eh siya kasi naka suot ng maong shorts at naka white tshirt tapos may checkered polo pa siya na pinatong.

"Yup, komportable na ako sa ganito" sabi ko

"Okay. Basta wag ka mag tsinelas baka di ka papasukin"

Sinuot ko ang dinala ko na sneakers. Para na akong jejemon nito sa totoo lang

Nang matapos na kaming mag ayos dalawa lumabas na kami sa room namin. Pumunta na kami sa buffet area. Nakita namin na lahat sila nandoon na at nakapila.

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon