Pupunta kami ngayon sa isang party shop. Sabi kasi ni Jarred kung pwede ba daw na kami ang bumili ng gagamitin niya na props para sa proposal bukas, pumayag naman kami.
Sila Jarred at Krizel gumagala ngayon. Ang alam lang ni Krizel ay maghihiwalay-hiwalay kami para bumili.
Nakasuot ako ngayon ng croptop hoddie at pants. Sinuot ko ang akin white sneakers.
Pumasok na kami sa loob ng store
"So ang mga bibilhin ay, candles, flowers, at pang-entrance, mga artificial vines" sabi ni kuya Brian
Tumango kami. Kami nila Miguel, Liona, kuya Dian ang magkakasama.
"Candles saatin noh. Maghiwa-hiwalay na lang tayong apat. By pairs. Para mas mabilis. Saamin malaki, sainyo maliit" sabi ni kuya Dian
"Hoy anong pairs" angal ni Liona
"Bakit? May problema ba?" Tanong ni kuya Dian
Nag-alinlangan na umiling si Liona. Hinila na siya ni kuya Dian palayo saamin. Kumaway pa ako kay Liona at ningitian siya.
Okay na din yon noh. Para alam na niya ang nararamdaman niya
"Let's go" sabi ni Miguel sabay akbay saakin
"Hoy hoy! Bakit may pag akbay" angal ko at pinipilit alisin ang braso niya
"Weh baka nga gusto mo din eh. Sulitin mo na lang, 4 days na lang matatapos na ang challenge natin" sabi niya
Oo nga noh. Apat na araw na lang pala
Pumunta na kami sa may kabilang section ng candles. Malaki kasi itong candle section kaya naghiwalay na lang kami. May iba't ibang sizes kasi pinabili si Jarred. Meron mga malaki, may maliit.
Kumuha ako ng basket para paglagyan ng mga kandila.
"Maliit na kandila saatin noh" sabi ko
"Malamang. Kaya nga tayo nandito sa maliliit na kandila eh" sarcastic na sabi niya
Piningot ko siya sa tenga
"Aray!" Sabi niya
Iniwan ko siya sa pwesto niya at naglakad na para maghanap ng magandang kandila. Naramdaman ko din ang prsesensya ni Miguel sa likod.
Kumuha ako ng sapat na dami ng kandila at nilagay sa basket. Humarap ako kay Miguel.
"O ikaw magdala" sabi ko sabay bigay ng basket
"Oy bakit" angal niya
"Bilis na love" in-emphasize ko pa ang love
Nakita ko na gumalaw ang adams apple ni Miguel
"O-ok" utal niyang sabi at nanginginig ang kamay na kinuha ang basket
"Thank you!" Sabay yakap sakanya
"Hoy! Kayong dalawa! Magiging totoo na ba yung challenge?" Biglang sabi ng boses ni kuya Dian
Humiwalay ako kaagad kay Miguel
"Ulol!" Sabi ko at lumakad papunta kay Liona
Hinila ko palayo si Liona at nag-abang kami sa cashier. Habang naghihintay biglang may tatlong lumapit na foreigner na lalaki.
"Hello. Are you guys lost by any chance?" Tanong nung isa na pinakamatangkad sakanila
Jusko! English. Okay lang yan self. Magaling ka dyan!
"Nope. Just waiting for someone" sagot ko
"Waiting for us?" Sabi ng isang lalaki
Ay! Bulok ang pick up line
BINABASA MO ANG
The Dare
Teen FictionIsa akong ordinaryo na babae na may mga kaibigan na totoo, at may pamilyang nagmamahal saakin ng buong puso. Hanggang sa nakilala ko siya, si Miguel Agosto Monreal. Mula sa tahimik ko na buhay, naging magulo na buhay. Started: May 1, 2020 Ended: Au...