TD 24

61 1 0
                                    

Nakalipas ang limang araw simula ng manligaw saakin si Miguel.

Yie! Ligaw daw ih!

Sinabi ko na kala Roselyn kahapon na nanliligaw na siya saakin. Sabi naman nila "we told you so"

Sorna!

Kakabangon ko pa lang sa kama nang may tumawag sa phone ko. Kinuha ko ito at nakita na si Miguel ang tumatawag

Hinga self! Hinga

Sinagot ko ang tawag

"Good morning" bati ni Miguel

"G-good morning din"

Luh. Kilig ka ghorl

"Sunduin kita dyan sainyo"

"Huy. Bakit?"

"Secret" narinig ko pa siya na tumawa

Binaba na niya ang tawag

Haluh. Di man lang sinabi kung anong oras pupunta dito. Basta pupunta daw

Nakasuot pa ako ngayon ng silk pajama set ko na tank top at shorts. Bumaba na ako sa dining room at sumabay sa pagkain.

"Good morning!" Bati ko sakanila

Binati din nila ako. Umupo na ako at nagsimulang kumain.

Pagtapos kumain, umakyat na ako ng kwarto para humiga ulit sa kama. Buti na lang weekend ngayon.

Yas ghorl! Rest day

Nanuod na lang ako ng Netflix sa phone. Nakalipas ang ilang oras ng panunuod may kumatok sa kwarto ko.

Pinatay ko ang phone ko at binuksan ito. Bumungad si Miguel.

"H-huy p-paano k-ka n-nakapunta d-dito?" Utal ko na tanong

"Lakad lang try mo" pabiro niya na sabi

Sinamaan ko siya ng tingin. Tumingin ako sa labas ng kwarto at tiningnan kung may mga tao.

"Sino nagpapasok sayo?" Tanong ko

"Mommy at daddy mo"

"Pinayagan ka nila umakyat dito sa kwarto ko?"

Tumango siya at nilibot ang itsura ng kwarto.

"Ah oo nga pala. Pasok ka" aya ko

"Wag na. I respect you"

"Luh. Anong sinasabi mo. Uupo ka lang dyan sa may kama"

Umiling pa rin siya

"Sa baba na lang ako maghihintay" sabay takbo niya pababa

Anong meron doon at nagmamadali?

Sinarado ko ulit ang pinto ng kwarto at kumuha ng self tie blouse at ripped jeans. Naligo na ako at nagbihis.

Bumaba na ako sa living room kung saan naghihintay si Miguel. Nagulat ako pagkababa ko nakapalibot silang lahat at si Miguel ang sa gitna.

"Anong meron?" Tanong ko

Tumingin sila saakin at ningitian ako

"Wala ate. Sige ingat kayo sa lakad" sabi ni Kyline

Ningitian ko sila. Tumingin kay Miguel at tumingin sa mata na sinasabi "halika na". Na-gets naman ata ni Miguel dahil tumayo na siya.

"Sige po. Paalam na" sabi niya

Tumango naman sila. Sabay na kaming lumabas. Pagkalabas namin ng bahay narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Miguel.

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon