Pagkagising ko pa lang di na ako nagsuklay muna dahil wala naman ako pupuntahan ngayon.
Nakalagay pa rin sa ulo ko ang sleep mask ko. Bumaba ako na ganoon itsura ko.
Pagkababa ko nakita ko silang lahat na naka bilog at parang nag ca-camp fire.
Scout lang?
"Huy. Anong ginagawa niyo dyan?" Tanong ko
Humarap sila saakin at doon ko lang nakita si Miguel na katabi ni daddy at tatay, na hindi ko nakita ang anino kanina.
"A-anong ginagawa niya d-dito?" Tanong ko
"Omg sis! You should change your appearance first" saway ni Kyline
Doon ko lang naalala na naka nighties silk dress pa ako, may sleep mask pa sa ulo, at magulo pa buhok.
Napatakbo kaagad ako sa kwarto ko. Sinarado ko kaagad ang pinto at sumandal doon.
"Anong ginagawa non dito?" Tanong ko sa sarili ko habang kumukuha ng hangin
Napailing na lang ako at madalian kumuha ng damit na masusuot. Naligo na ako ng mabilisan at sinuot ang jaggers ko at hoodie.
Huminga muna ako ng ilang beses bago bumaba. Katulad nang nakita ko kanina, nakabilog pa rin sila.
"Anong meron?" Tanong ko
"Eh ate kasi, pumunta itong si gago-" napatigil si Clyd nang pinalo ni mommy ang braso niya "este si kuya Miguel dito para daw makita ka"
"Bakit?" Sabi ko
"Yun nga din ang tanong namin ate eh. Pero sabi niya hihintayin ka na lang daw muna niya" sagot ni Blue
"Sige na iho. Sabihin mo saamin bakit nandito ka" sabi ni nanay
"B-balak ko po s-sana ligawan u-ulit si Aemilia" nakayuko na sabi ni Miguel
Biglang binatukan ni tatay at daddy si Miguel na kinagulat ko. Tumakbo bigla ako sa tabi ni Miguel at hinawakan ang binatukan nila.
"Tay, Dad. Bakit niyo po ginawa yon" saway ko sakanila
"Uy may care pa para sakanya" asar ni Blue
Biglang natandaan ko na nakahawak ako kay Miguel kaya lumayo ako.
"Ay sabay bawi" asar ni Kyline
Narinig ko na tumawa si Clyd at Blue. Tiningnan ko sila ng masama kaya napatahimik sila.
"Hoy! Miguel baka nakakalimutan mo na galit pa kami sa ginawa mo na pananakit sa anak namin" sermon ni daddy
"O-opo s-sir. Promise di ko na po uulitin iyon" sabay taas ni Miguel ng kanang kamay niya
"Wag na wag talaga" sabat ni mommy
"Pag ikaw ginawa mo pa ulit iyon, di na kita tatanggapin dito sa pamamahay na ito" banta ni daddy
"I-ibigsabihin okay lang po sainyo?" Nakita ko pa na nagulat si Miguel
"Kung okay lang kay Aemilia. Bakit ako ba nililigawan mo" sabi ni daddy
"H-hindi p-po s-sir" utal na sagot ni Miguel
"O siya. Ikaw ba Aemilia? Payag ka ligawan ka ulit ng mokong na ito" tanong ni daddy bigla
Napatingin tuloy silang lahat saakin.
"P-po?"
"Nako iho. Pasensya na ayaw na ata ng anak ko sayo. Sige alis na. Shushu" sabi ni daddy
Napatakbo ako kay Miguel bigla at tumayo sa tabi niya.
"Daddy hindi tama iyang ugali mo. Masama po yan" saway ko
BINABASA MO ANG
The Dare
Teen FictionIsa akong ordinaryo na babae na may mga kaibigan na totoo, at may pamilyang nagmamahal saakin ng buong puso. Hanggang sa nakilala ko siya, si Miguel Agosto Monreal. Mula sa tahimik ko na buhay, naging magulo na buhay. Started: May 1, 2020 Ended: Au...