Makalipas ang first sem, sila pa rin ang kasama ko sa saya, lungkot, at sa mga kalokohan.
Pero kahit medyo maloko kami, pasado kaming lahat walang iwanan.
Pagpasok pa lang ng 2nd sem, nagtanungan na kami kung anong club ang balak naming pasukan.
Napag-isipan namin na maghiwa-hiwalay ng club para magawa namen ang mga gusto namen. Iba-iba kasi kami ng gusto.
Ang pinili kong club ay Cooking Club, kasama ko si Miley dito. Si Valen, Art Club; Si Love naman ay nag-Acting Club; Habang si Taylor, Music Club at Swimming club naman ang kay Raven.
Madalang na lang kaming nagkikita-kitang mag babarkada.
First day ko sa cooking club, sino kaya ang magiging teacher namen sa club na'to. "Mabait sana," sabi ko sa sarili habang naglalakad, nang makita ko si Sir Lorenz.
"Uy, Sir Lorenz! Sir, sa'n ka po pupunta?" tanong ko.
"Sa cooking club ako ang naka-assign na magtuturo do'n. ikaw saan ka pupunta?"
"Pareho lang po tayo ng pupuntahan, sabay na tayo pumunta, pwede po ba?"
"Oo naman, bakit hindi?"
Nag kwentuhan kami about kay Sir.
"Sir, ilang taon ka na po?"
"22"
"Ahh, fresh grad ka sir?"
"Oo"
At yung araw na din na 'yon, naging ka-close ko si Sir Lorenz. In fairness, Ang saya kasama ni sir lorenz.Nakarating na kami sa cooking club.
Pagdating namin do'n, nakita ko kaagad si Miley
"uy, Miley! Ang aga mo namang dumating,""Ay. hindi naman kita mo naman ang dami na naten dito "di ba?"
"Oo nga" sagot ko sabay tawa.