"Okay na rin yun para safe ka lagi,"
"Sir, pwede ba tayo um-absent ngayon? Stressed na po kasi ako eh,"
"Oh, sige, gusto mo punta tayo beach?" yaya nito, "Basta bukas papasok na tayo ah, at bago 'yan bili muna tayo ng isusuot," dagdag pa niya.
Tumango na lang ako at nagpasalamat sa kanya.
Pagkatapos namin mamili ng mga damit, nagbihis agad kami at nagpuntang beach.
"Sir, thank you po sa pagdala mo sa'kin dito,"
"Okay lang yun, basta ikaw," at sabay akbay sa'kin.
"Tara na sa kwarto, ilapag muna natin ang dala natin, oh, wait lang ako na magdadala ng hawak mo,"
Pagkatapos namin ilapag ang mga gamit namin, pumunta na kami sa dagat para makapag-swimming.
"Sir, tara na, swimming tayo!"
"Sige!" agad niyang hinubad ang kanyang polo at nakita ko naman ang kanyang katawan na na pakaganda.
Ang saya ng mga oras na yun, walang lungkot, walang sakit, puro saya lang. Sana nga ganun na lang palagi, kaso hindi pwede. At nung mga oras din na 'yon, lalo akong napalapit kay Sir, ang saya niya kasama, support lang siya. Napaisip ako kung ito na ba ang sign na dapat si Sir ang piliin ko over Valen. Pero sign pa lang ito, 'di pa ako nakakasigurado, kaya inisip ko lang na masaya ako no'ng mga oras na 'yon.
"Rai, tara dito!"
"Sir malalim na masyado dyan, balik ka na dito!"
"Tara na dito, Ahh! Rai, Pinupulikat ako! Aray!"
"Sir bumalik ka na dito!"
"Rai tulong! ahh!!"
"Sir, hintayin mo ako dyan" binilisan ko ang aking paglangoy para maabutan si Sir. 'Kala ko masaya na, pero nangyari pa 'yon kay Sir,
Kapag may nangyaring masama kay Sir, 'di ko mapapatawad sarili ko.
Hinanap ko si Sir, pero wala siya kaya sumisid na ako at nakita ko siya, nung nakita ko siya ko hinila ko siya sa sea side para e-CPR.
"Sir, 'wag kang mamamatay!" maiiyak kong sabi.
Ilang beses ko siyang ni-CPR, pero wala pa rin.
"Sir, Gumising ka!" sabi ko habang naiyak.
Napagod ako sa paglangoy at sa pag-CPR pero tinuloy ko lang.
Maya-maya, lumabas na bibig niya yung tubig na nainom niya at nagising na siya.
"Sir! Sir! Okay na po ba kayo?!" tanong ko habang nagpapanic pa rin. Tumango naman ito.
Sa sobrang saya, niyakap ko siya nagising siya.
"Sir, tara dadalhin kita sa clinic," sinasabi ko yun habang naiyak at kayakap siya.
"'Wag ka nang umiyak, okay na ako. 'Wag ka nang mag-alala at sabay punas sa'king mga luha
"'Wag mo nang uulitin 'yun ah,tinakot mo ako. 'Di ko alam gagawin ko 'pag may nangyari sayo."
Tinawanan lang ako nito, sabay sabing, "Sorry na, I love you,"
"I love you too,"
'Di ko alam kung bakit napasabi ako ng ganyan kay sir, kaya sabi ko na lang ulit sa kanya, "Tara na nga sa clinic!"
