Nagsimula na ang first cooking lesson namin. Hindi ako makapag-foccus sa lesson ni Sir Lorenz. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napatitig kay sir at napaisip na ang gwapo niya. Bakit Kaya single pa siya? Almost perfect na siya, ang swerte ng mapapangasawa niya.
Bigla ko din naalala si Valen, magaling na kaya yung tenga niya? Okay lang kaya siya? Naaalala pa kaya niya ako?
Argh! Ba't ko ba naiisip ito?! 'Di na ako in love sa kanya. Lalake ako. argh!
Nahuli ako ni Sir Lor na hindi nakikinig nang maayos at parang timang kaya pinag-demo niya ako kung paano maghiwa ng sibuyas.
Wala pa rin ako sa focus, habang naghihiwa lutang pa rin ako. Hanggang sa nahiwa ko ang daliri ko
"Aray! ang saket!" Agad naman akong nilapitan ni Sir Lor para i-check. Tinignan ni Sir Lorenz ang daliri ko.
"Mag-iingat ka, dapat nakatingin ka sa hinihiwa mo. Ano bang nangyayari sayo? Tara dadalhin na kita sa clinic," at habang sinasabi Nya yun, ewan ko ba nakatitig lang ako sa kanya.
"Railey! Ayos kalang ba?" Sigaw ni sir habang nakatitig ako sa kanya. "Tara sa clinic," sabi niya habang hawak ang kamay ko.
"Sir, ako na lang po ang pupunta sa clinic,"
'Hindi, sasamahan na kita," sani ko, "Sir, kaya ko na po ito at maliit na sugat lang naman ito, malayo sa bituka," sabay tawa.
"At nakuha mo pa talagang magbiro, whatt if maimpeksyon 'yang maliit na sugat na yan, huh? Paano ka?" Sabi ni sir
'Di ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, may naramdaman ako na para bang naramdaman ko noon.
Ba"t gan'to, ano ba itong nararamdaman ko, nalilito na ako.Habang nasa hallway kami papuntang clinic, nakita ko si Valen na may kasamang babae. Pareho naman silang may buhat na canvas, kaya inisip ko na lang na wala lang 'yun, classmate lang niya 'yun sa Art Class. Tinawag ko siya pero 'di niya ako pinansin, 'yung kasama niyang babae ang lumingon. argh.
"Ba't kaya 'di niya ako pinansin," tanong ko sa sarili ko.