Hatid

4 0 0
                                    

Kinabukasan----

Hindi ako lasing. Alam ko ang mga nangyayari, pero wala na akong magawa. Nadala na ako sa sensasyon na nararamdaman ko sa bawat pagkilos niya. Hindi ko na rin napigilan kaya't sinabayan ko na lang.

Nagising ako na wala si Valen sa aking tabi kaya nagbihis muna ako bago bumaba galing sa kwarto para tignan siya sa sala nila. Pagkababa ko nakita ko si Sir Lorenz.

"Sir?! Ba't po kayo nandito?" tanong ko.
"Ah, pinapunta ako ni tita,"
"tita?"
"Val's mom, magpinsan kami,"

Nakita kami ni Valen na magkausap ni Sir kaya lumapit siya sabay akbay sa aking balikat.

"Pinapunta ka ni mama? Ando'n siya sa kusina," at agad namang pumunta si Sir dun kasama kami ni val dahil naroon din ang mga kaibigan namin.

Kumain kami nang sabay-sabay habang nagkukwentuhan.

"Magpinsan pala kayo ni Val, Sir? Ba't 'di niyo po nakwento? Pati si Val din, hindi kinikwento na mag pinsan kayo," sabi ko.

"Ayaw kasi namin na isipin ng iba na kaya nakakapasa si Val kase magpinsan kami; na tinutulungan ko siya. Matalino naman kasi si Val," at pagkatapos namin kumain nagbihis na kami para umuwi.

Nakauwi na yung iba naming kasama at ako na lang ang naiwan.

"Argh! 'Di daw ako masusundo magcommute na lang daw ako," sabi ko.

"Tara, hatid na kita," sabay tingin sa'kin ni Sir.

"Talaga Sir? Sige po-"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang sumingit sa usapan namin sa Val.

"No, ako na lang maghahatid sa kanya,"

"Ah, hindi na Val, dito ka na lang magpahinga ka
'di ba masaket ang ulo mo? Sir, tara na?

"Let's go." nauna siyang lumabas at in-start na niya ang kotse para makaalis na kami.

Habang nasa byahe, ni isa sa'min ay walang nagsasalita. Nakakabinging katahimikan. Until he broke the silence.

"Railey nag-inuman pala kayo kagabi? Ano'ng nangyari?" Sir Lor asked with a low and serious voice.

"Wala naman po, Sir, ba't niyo po naitanong?" I answered. 

"Wala naman. I saw you earlier while going downstairs,  parang nahihirapan kang maglakad, until now," he worriedly asked. Napansin niya pala.

"Ah, wala, natisod lang ako kagabi. Hinatid ko kasi mga kaibigan ko sa kwarto, ang bibigat pa nila. Hindi ko napansin na may bote pala sa sahig, naapakan ko kaya 'yon, natisod ako," I smiled at him awkwardly.

I used that as an excuse, ayaw kong may makaalam na may nangyari sa'min ni Valen, last night.

Pagkatapos kong magpaliwanag, sakto namang malapit na kami sa bahay.

"Sir 'yun na po yung bahay namin, pakibaba na lang po ako dun," sabi ko.

My First Became My LastWhere stories live. Discover now