Advice

3 0 0
                                    

"Okay, gan'to 'yun, si Valen ay kababata ko and I have feelings for him, since then. Umuwi siya ng America para magpagamot at ngayon lang ulit kami nagkita, ngayong sem lang. Ngayon ko lang din nalaman na magpinsan sila ni Sir Lorenz. May nararamdaman na din ako kay Sir at nililigawan nila ako pareho, anong kailangan kong gawin?" Seryoso naman sila pareho, "I'm so confused," dagdag ko pa.

"Alam mo, mahirap yan. Mayroong isang masasaktan 'pag may pinili ka. Well, that's love, hindi ka nagmahal kung hindi ka nasaktan at hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmahal. Hindi ka naman kasi pwedeng magmahal ng dalawa, isa lang ang puso ng tao. At kung hindi ka naman pipili, dalawa silang masasaktan. Pero alam mo, someday, mararamdaman mo din na hindi na pareho, may isang aangat sa nararamdaman mo. May isang mas matimbang," -Taylor.

"I agree to her. Hindi pwedeng dalawa mamahalin mo, kailangan mo pumili ng isa. isa lang. posibleng gusto mo yung dalawa, oo, pero for sure may isang mas matimbang dyan. nasa sa'yo yun kung sino pipiliin mo. take lang nang take ng risk, pero 'wag magmamadali dahil ang true love, nakakapaghintay yan. No matter how long it is," sabi naman ni Love.

"Gets ko point niyong dalawa, pero 'yun nga lang ,di ko alam kung sino ba sa kanilang dalawa. Pero thank you pa din," sabi ko saka ngumiti, "hindi ko na kasi alam  gagawin ko eh, pati ako naguluhan sa nararamdaman ko para sa kanila," at pagkatapos namin mag-usap, nagsimula na kaming magreview at pagkatapos no'n umuwi na ako para makapagpahinga.

"Rai, mage-extend pa daw sila mommy at daddy mo, magpapadala na lang daw sila ng allowance mo," sabi ni Ate Joli, ang maid namin.

"Sige po, pakisabi na lang po na okay lang ako dito,"

"At may naghahanap nga pala sa'yo,"

"Sige po magbibihis na ako, pakisabi mauna na siya,"

"Sige Rai," at pagtapos ko magbihis bumaba na agad ako para pumasok sa school. Pero pagbaba ko, nakita ko si Sir.

"Ba't kayo nandito?" tanong ko sa kanya.

"Kaaalis lang nung isa, Valen ata pangalan nun," sabi ni yaya joli

"Ano, tara na, Rai?"

"Sige po," sagot ko naman. 

Habang nasa kotse kami, tinanong niya ako.

"Okay ka na ba? Okay lang ba na sunduin kita araw-araw?"

"Okay na po ako, Sir, and kahit 'di mo na ako sunduin araw-araw. Okay lang naman po ako,"

My First Became My LastWhere stories live. Discover now