Sleep

4 0 0
                                        

"Thanks,"

"No, sir. Ako nga po ang dapat magpasalamat kasi you're taking care of me at pumayag kang mag-stay dito para samahan ako," he patted my head.

After naming kumain, siya na nag-asikaso sa pinagkainan para daw wala na akong gagawin bukas.

Pinaligo ko na siya kaagad, pagkabigay ko ng mga susuotin niya.

"Sir, ito na po yung damit,"

"Sige, ligo na ako,"

Hinintay ko siyang matapos maligo. Mag-iisang oras na siyang nasa loob ng banyo pero 'di pa din siya lumalabas.

"Sir? Sir?! Bat 'di pa po kayo lumalabas?"

"Ahm, Railey pwede bang paabot ng towel naiwan ko kasi 'yong damit sa sala tsaka naiwan ko yung towel sa Kama mo. Pasuyo naman ng towel, please,"

"ah, sige po wait lang,"

"Sir, ito na po," kinuha niya ito at lumabas na siya ng cr. Pagkalabas niya, bumungad sa'kin ang 6 packs abs,  may bumukol kaya tumalikod ako at napalunok na lang.

Pag-akyat niya, nakabihis na siya at nagpapatuyo na ng buhok. 

"Sir, tara tulungan na kita magpatuyo ng buhok," sabi ko at sinang-ayunan niya naman ako.

Pinunasan ko ito, bigla niyang hinawakan ang aking kamay at sabay sabing, "Ako na, ako na lang," habang nakatingin siya sa mga mata ko.

"Ah, sige po," at nahiga na ako sa kama ko.

"Dito na lang ako matutulog sa sofa para 'pag may kailangan ka, matatawag mo ako kaagad," sabi niya.

"Sir, dito ka na lang sa tabi ko matulog, malaki pa naman ang space ko sa kama kaya kasya ka pa,"

"Oh, sige basta kalabitin mo lang ako 'pag may kailangan ka," then he smiled.

Hindi ako makatulog no'ng mga sandaling 'yon dahil 'di ako sanay matulog nang may katabi at 'di pa rin naman nakakatulog si sir.

"Sir, ang bait niyo sa'kin," i asked.

"Kase gusto kita," 

"Huh? Ano?" Humarap siya sa'kin at hinalikan ako, "Sabi ko, mahal kita, gusto kita at liligawan kita,"

'Di na lamang ako sumagot ng mga sandaling 'yun at tumalikod agad ako sa kanya.

Halos 30 mins na ang nakalipas, akala ko tulog na ito nang biglang may yumakap sa'kin patalikod, no'ng mga sandali ding 'yon pinikit ko na lamang ang aking mga mata at pinilit matulog.

My First Became My LastWhere stories live. Discover now