Malapit na mag-third grading kaya todo review ako. Pumunta akong library para mas makapag-focus, habang naghahanap ako ng libro na kailangan ko sa History Subject namin, nakita ko si Valen na may kausap na babae at maya-maya pa ay niyakap niya ito. Nakaramdam ako ng sakit, hindi ko alam kung bakit, siguro nga hindi pa nawawala ang feelings ko para kay Valen. Nabitawan ko ang libro na hawak ko kaya pinulot ko at nung kukunin ko na ang libro, may kamay na umalalay sa pag-angat ko at paglingon ko, si Sir Lorenz lang pala, agad ko siyang niyakap habang umiiyak.
"Sir, pwede mo po ba akong ihatid sa bahay?"
"Sure thing, sige, tara na," sabi ni Sir Lor at bigla naman akong hinila ni Val mula sa pagkakayakap ko kay Sir Lor.
"Tara na, ako na lang ang maghahatid sa'yo," sabay hila niya naman sa'kin.
"Tara na, mag-uusap tayo," pagpupumilit nito.
"Ano ba, nasasaktan ako! At ano pa ba ang dapat nating pag-usapan? Wala naman na 'di ba!" sigaw ko sa kanya.
Nakarating na nga kami sa kotse niya, tinanong niya ako, "Bakit kayakap mo siya?" Tinanong ko rin siya, "Eh ikaw, bakit niyakap mo siya?"
"I'm just comforting her, and what's wrong with that?" paliwanag nito.
"And what's wrong din kung kayakap ko siya?"
"You're so unreasonable!"
"Wala namang tayo, 'di ba?"
Pagkatapos ng pag-uusap na 'yon, inihatid niya na ako sa bahay.
"Salamat sa paghatid, pwede ka na umalis,"
"Sorry," at niyakap niya ako bago siya umalis. Pagpasok ko sa bahay, nagbihis agad ako at pumunta na sa bahay nila Love.
Nag-commute lang ako dahil wala akong dalang sasakyan. Pero nakarating din naman ako agad at sinalubong ako ni Love.
"Okay, since you're here na. Let's start our review," sabi nito sa'kin pagkatapos akong pagbuksan ng pinto.
"Mamaya na tayo magreview, usap muna tayo," sabi ko at um-oo naman siya.
"Bakit nandito ka, Taylor?" tanong ko agad nang makita ko siya do'n.
'Ano sabihin na ba natin, love?" tanong niya kay Love at tumango naman ito.
"Girlfriend ko na si Taylor, sinagot niya na ako,"
"Ow, congrats! stay strong but, ito na nga kakausapin ko kayo about kay Valen at kay Sir," pagsisimula ko at lumapit naman sila sa'kin para mas lalo nila akong marinig.
