(5:30 na ng hapon nako nakauwi dahil wala namang tao sa Bahay dahil nag out of town si mama at papa)
"Thank you, Sir, sa paghatid," I was about to open the door but he stopped me.
"Stay there, ako na magbubukas,"
"Sige po, salamat ulit." Pagkababa ko ng kotse, bigla akong nadulas dahil 'di ako makagalaw nang maayos
Buti na lang at nasalo ako ni Sir Lor. Thanks to him.
"oh, wait, dahan-dahan," sabay buhat sa'kin.
Wala akong ibang nagawa kundi indahin ang sakit.
"Tara na, ipapasok na kita sa loob,"
"Sir, anong ipapasok niyo?"
"Ikaw, ipapasok ko sa bahay niyo. Look, 'di ka makalakad nang maayos."
"ah... ito po pala yung susi," inabot ko sa kanya ang susi ng bahay at pagpasok namin sa loob, agad naman niya akong inihiniga sa kwarto para makapagpahinga.
"Sir, pwede na po ako dito,"
"No, wait a minute. Punta lang akong kusina, I'll just get something," he said, tumango na lang ako.
Hinihilot ko 'yung paa ko dahil masakit at pag-akyat niya, may dala siyang cold compress para sa paa ko.
"Nasa'n ba yung parents mo?"
"Nag out of town po,"
"How 'bout your maids?"
"Day-off po nila, kaya ako lang nandito sa bahay ngayon. Sir, 'di pa po ba kayo uuwi? Malapit na po gumabi,"
"Maybe later. Anyways, kumain ka na ba?
"Hindi pa po, Sir ikaw? Gusto mo ipagluto kita?"
"No, thanks. Ako na lang, hintayin mo na lang ako dito."
"Okay,"
Mag-iisang oras na pero hindi pa rin siya bumabalik. Nababagot na ako kaya bumaba na ako at pumunta sa kusina para i-check kung nando'n siya.
"Oh, bakit bumaba ka na? Maayos na ba 'yang paa mo?"
(habang nakaalalay siya papuntang table)
"Hintayin mo na ito, saglit na lang maluluto na."
"Alright then," sabi ko. "marunong ka po palang magluto, sir,"
"Yeah,"
"Ano po pala 'yang niluluto mo? Amoy palang masarap na,"
"Adobong manok lang naman, nambola ka pa,"
"'Di po ako nambobola,"
"Finally, ito na," inabutan niya ako ng plato at nagsimula nang kumain.
"Sir, pwede kang mag-stay dito ngayong gabi kung wala ka nang pupuntahan. Late na din po kasi, delikado na sa daan,"
"Hmm, sounds good. Pwede bang makiligo na rin after natin kumain?"
"Syempre naman po, hiramin mo na lang po muna yung damit ni papa,"