New friends

9 0 0
                                        

At pagtapos ng mga ilang teachers, dumating na ang favorite kong subject. Ang break time.

Ginawa ko na ding chance ito para makilala ko na din ang iba kong kaklase. So glad, may mga nakilala agad ako at nakasundo ko sila kaagad.

Sila ay sina Love, Raven, Miley, at Taylor.

Let me introduce my new friends.

Si Love, maganda siya, base sa pagkakakilala ko, matalino at maka-Diyos din ito.

Si Raven naman ay matalino at gwapo kaso medyo may kayabangan.

Miley. Si Miley, mayaman siya, maganda at matalino din. Halos parang nasa kanya na ang lahat. Pero babae din pala ang gusto. 'Di kame talo.

Taylor. Si Taylor naman ay medyo may kaartehan sa katawan, matalino at medyo may pagkaweird na tao.

At ito na nga, nilapitan ko si Valen pagtapos ko makipagusap sa mga new friends ko kase nag-iisa lang siya.

"Hi, Valen, right?

"No, left." sagot niya.

"Ay, tangina." sabi ko sa isip-isip ko.

Paalis na sana ako pagkasabi niya no'n pero nagsalita ito.

"Anong kailangan mo?"

"Wala, gusto ko lang sana makipagkaibigan," sabi ko.

"Ay, tara! Ipapakilala kita sa iba nating classmates," Hinila ko siya sa mga bago kong kaibigan para makilala nila si Val.

Valen's POV

Pagpasok ng teacher namin sa room, bumati agad kami at saka nagsimula.

"Alright. Class, ako si Sir Lorenz, I will be your adviser for the whole sem," pagpapakilala niya. "So, ayon, since kilala niyo na ako, kayo naman ang magpakilala. Kindly introduce yourself, simulan natin ka Mr. Agoncillo," at nagsimula na nga.

Pa-chill-chill lang ako kasi alphabetical 'yon kaya matagal pa ako.

"Hi, everyone! I am Railey Agoncillo, 16 years old, That's all, thank you," pagpapakilala nung una.

Wait, what?! Railey Agoncillo? I remember him, he's my childhood friend. Napakaliit talaga ng mundo, biruin mo dito pa talaga kami magtatagpo.

"Can you please introduce yourself clearly? Ulitin mo.  Yung makikilala ka talaga namin," pinaulit siya.

"Hi, everyone! I'm Railey, 16 years old. As youncan see, I'm handsome, respectful man. I'm the finest chef in our village," pagtapos niyang magpakilala, pinagtawanan siya ng iba. maloko. He didn't change, pilyo pa rin.

"And i'm single." dagdag pa nito, dahilan para magtawanan sila lalo.

Ang kapal ng mukha, shit.

Hanggang sa letter R na nga. It's my turn.

"Hi, I'm Valen Robertson, you can call me "Val", 17 years old, came from States and I am a valedictorian student."

Hindi ko siya nilingon pero nakikita ko sa peripheral vision ko na nagulat din si Railey. Alam kong hindi niya inasahan ito.

Payapa ako'y nagbabasa nang lapitan ako ni Railey.

"Hi, Valen, right?" he asked.

"No, left." I answered him sarcastically. Patanga kasi magtanong.

Aalis na sana siya nang bigla akong magsalita. Chance ko na din 'to para mapalapit sa kanya.

"Anong kailangan mo?" tanong ko.

"Wala, gusto ko ko lang sana makipagkaibigan," he said.

Matagal na tayong magkaibigan, nawala lang closeness, tungaw pabulong ko sa sarili ko.

Nawala ako sa wisyo nang hilahin niya ako bigla.

"Ay, tara! Ipapakilala kita sa iba nating classmates," sabi nito, saka ako dinala sa kung saan.

Pinakilala niya na ako sa mga kaibigan niya at nakasundo ko naman sila kaagad. Umabot ng mahigit 30 mins ang kwentuhan .

Makalipas ang ilang minuto, nagring na rin ang bell. Hudyat na tapos na ang breaktime at nagsibalik na kami sa sari-sariling naming seats.

Continuation----

Pinakilala ko na siya at si Taylor ay nakaisip ng ideya.

"What if gawa tayo ng grupo, tayo-tayong anim."

at agad namang nag-agree ang lahat at gano'n nagstart ang pagkakaibigan namin.

My First Became My LastStories to obsess over. Discover now