Makalipas ang anim na taon...
Wala na akong komunikasyon sa kanila.
Dumating na ang araw ng Enrollment. Sa TREVOR UNIVERSITY ko napiling mag-enroll dahil matagal ko nang pangarap ang makapasok sa unibersidad na ito.
Payapa akong naglalakad papuntang school no'ng araw na 'yon nang bigla akong may nabanggang tao.
"Tangina! 'Pag minamalas ka nga naman, oh! Panira ng araw!" sigaw ko.
Nang nahimasmasan ako, agad kong tiningnan ang nabangga ko, teacher pala ito. Napasampal na lang ako sa sarili ko dahil sa kahihiyan.
Sa isip-isip ko, mukhang mahihirapan akong makapasok sa school na ito.
Agad akong humingi ng patawad sa teacher na 'yon.
"Sir, okay lang ba kayo? Nasaktan ka po ba? Sir, sir, sorry po!" Sabi ko at sinamaan niya ako ng tingin.
"Sir, gusto mo po ba dal'hin kita sa clinic?" kinakabahan kong tanong.
"No, thanks. Sana sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo kung may mababangga ka," sabi nito.
Tapos na akong mag-enroll sa eskwelahan na 'yon at magtake ng exam, 'di ko alam kung makakapasok ba ako.
After that day, exam na naman dahil malapit nang magpasukan. Napakahirap no'ng exam, mukhang pang-ibang year level. Tiwala lang ako sa sarili ko kasi nag-aral naman ako.
