Hi, I'm Railey. May gusto ako sa kababata ko na si Valen. Naging magkaibigan kami dahil magkaibigan ang mga magulang namin.
Ipinakilala ako ng mama ko sa Mama ni Val at kay Val na rin.
"Tanya, anak ko nga pala, si Railey. Val, meet Railey, Railey, meet Val."
Bumeso sa'kin si Tita Tanya at nakipagkamay naman sa'kin si Val.
Naikwento sa'kin ng Mama ko na may problema sa pandinig itong si Val. Hindi naman siya bingi, 'di lang niya lang marinig nang malinaw ang mga sinasabi ng nakakausap niya. Kailangang bagalan at medyo malakas ang pagsasalita para maintindihan nya. Nahihirapan siya kapag hindi niya suot ang kanya hearing aid.
I'm just 10 y/o when my Mom introduced him to me, and that was the day when I fell in love with him.
Hindi maipagkakaila na gwapo siya, pero hindi lang naman ang itsura niya ang dahilan kaya ko siya nagustuhan. He's a talented young man that's why I loved him even more. Marunong siyang kumanta, honor student siya. mas lalo akong nahikayat na mag-aral nang mabuti dahil sa kanya.
Ilang buwan din ang lumipas at naging mas malapit kami sa isa't isa. Palagi na kaming magkasama halos sa lahat ng bagay. Gaya ng pagsasabay namin kapag naliligo; wala kasi ang parents niya lagi kaya naiiwan siya sa bahay namin at si Mama ang nagbabantay.
Sabay din kami kumain at tabi matulog.
Halos parang magkapatid na nga kami, pero para saken more than friend/brother ang tingin ko sa kanya.
Dumating na nga ang birthday niya, may malaking handaan.
Masaya na sana kaso nagkaroon ng problema.
Bigla nalang sumakit ang tenga ni Valen. Sobrang ininda niya ito at napapaiyak na siya dahil sa sobrang sakit.
Nag-alala ako. Sa isip-isip ko, baka 'di na talaga makarinig si Valen. Pero 'wag naman sana.
Agad siyang sinugod sa ospital, hindi na ako pinasama dahil bawal daw ang bata doon at baka kung anong sakit pa ang makuha ko sa ospital na 'yon.
Naghintay lang kami ng tawag para sa update. Nakatulala na lang ako no'n dahil nag-aalala oa din ako sa kaibigan ko.
Hanggang sa ito na nga, may tumawag sa telepono at si Mama ang sumagot. Pinakinggan ko ang usapan nila.
"Hello, oh Tanya, ano nang balita?"
"Ayun nga, sabi ng doktor kailangan daw operahan si Val sa lalong madaling panahon." sagot naman ng nasa kabilang linya.
![](https://img.wattpad.com/cover/223264353-288-k429497.jpg)