First day (introduce yourself)

4 0 0
                                    


Pinanganak yata ako para sumalo ng kamalasan. Sa 'di inaasahan, adviser ko pa pala yung nakabanggaan ko. Shit.

Kamalasan.

Siya si Sir Lorenz, English teacher. Pagpasok niya sa classroom, bumati muna kami at saka nagsimula.

Introduces your self kaagad.

"Alright. Class, ako si Sir Lorenz, I will be your adviser for the whole sem. So, ayon, since kilala niyo na ako, kayo naman ang magpakilala. Kindly introduce yourself, simulan natin ka Mr. Agoncillo."

Shit. Alphabetical order pa nga.

"Hi, everyone! I am Railey Agoncillo, 16 years old, That's all, thank you." yun lang ang sinabi ko dahil nahihiya pa ako at bumalik na ako sa upuan ko.

Tinawag niya ako at parang may balak pang pagtripan ako.

"Can you please introduce yourself clearly? Ulitin mo.  Yung makikilala ka talaga namin."

No choice na, kaya sige. Bahala na.

"Hi, everyone! I'm Railey, 16 years old. As you can see, I'm handsome, respectful man. I'm the finest chef in our country," pinagtawanan nila ako.

"And i'm single." dagdag ko pa at nagtawanan sila lalo.

Ang kapal ng mukha, shit.

Hanggang sa letter R na nga.

"Hi, I'm Valen Robertson, you can call me "Val", 17 years old, came from States and I am a valedictorian student."

"Wait, valen?" Tanong ko sa sarili ko at agad akong tumingin sa kanya para makasigurado kung siya na nga 'yon.

Valen is a chestnut-color haired man. Maputi; medyo maskulado; singkit; has thick eyelash and eyebrows; 5'10 ang height; matangos at mapula ang labi.

Confirmed, siya na nga. Ang aking kababata.

Pero Ibang iba na Sya ngayon.

Sana naman naaalala niya pa ako.

Pagtapos namin mag-introduce yourself, nag-start na agad si Sir Lorenz about sa rules and regulations ng school, orientation week kasi ngayon at first day of school pa lang.

My First Became My LastWhere stories live. Discover now