Friday morning na naman, excited na ako sa overnight naming magbabarkada sa bahay nila Val sa sabado.
"Goodmorning, Sir Lorenz, asan po yung iba?"
"Pinaakyat sila sa Court, ikaw, pupunta ka ba do'n?"
""Di na lang, sasamahan na lang kita dito, sir. Wala kang kasama eh,"
"Sige, Sige,"
"Ahm, sir?" Tumabi ako sa kanya, "Pwede pong magtanong?" tumango naman ito kaya nagtanong na ako.
"Sir, may girlfriend ka na po ba? Or may asawa?"
"Wala pa, bakit mo naman naitanong?" Sagot ni Sir.
"Ah, wala naman po. Naisip ko lang po kase ang gwapo mo; matalino ka; mabait at marespeto, almost perfect ka na tapos wala ka pang girlfriend, nakakapagtaka lang," at habang sinasabi ko 'yon nakatitig lang siya sa'kin.
"S-sir?! Sir-" hanggang sa hinalikan ako ni Sir Lorenz. Ewan ko ba, no'ng mga oras din na 'yon, 'di ako makagalaw sa kinauupuan ko. Hanggang sa biglang may nagbukas ng pinto sa room.
"Val-" nakita niya kami at bigla na lang syang tumakbo.
"Valen! Saglit lang! Let me explain!" hinabol ko siya para makapag paliwanag pero 'di ko na siya naabutan pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/223264353-288-k429497.jpg)