Pagkatapos naming pumunta sa Clinic, inihatid ko siya sa kwarto para makapagbihis at makapagpahinga na rin.
"Oh, magpahinga ka daw, matulog ka muna dito sa kwarto," sabi ko.
"Pwede mo ba akong tabihan?" tanong niya.
"Huh? 'Di na tayo kasya dyan at 'di ako inaantok,"
"Please, kahit saglit lang,"
"Sige na nga, saglit lang ah," tumabi ako sa kanya mahiga para makapagpahinga siya.
"Hug me, I'm cold," he whispered,"please,"
"Patayin ko na lang ang aircon,"
"Please! Please! Please!" pagpupumilit nito kaya wala na akong nagawa.
"Ay siya, sige na nga," niyakap ko siya habang natutulog siya para maging komportable siya.
"I'm so thankful dahil walang nangyari sayo," bulong ko, "And thank you din dahil dinala mo ako dito."sinabi ko ito habang nakatitig kay Lor habang natutulog at pagtapos no'n, umalis na ako para mag-ayos ng gamit.
Kinagabihan, hinanda ko na ang susuotin ko bukas dahil maaga kaming aalis at may pasok pa ako.
Kinabukasan, nakita ko siya na sa kotse natulog.
"Ba't dito ka natulog sa kotse?"
"Ah- Hindi, nilagay ko dito yung ibang gamit kanina tapos nakaidlip ako," paliwanag niya.
"Ano, tara na, may pasok pa tayo,"
"Okay, let's go," niyakap ako ni sir nang mahigpit. "Sorry ah,"
"Sorry saan?"
"Kasi iniwan kita, I love you,"
"Oo na, magmaneho ka na,"
Pero nagtataka ako, bakit siya nagsosorry eh 'di naman big deal sa'kin ang ginawa niya. Kaya hinayaan ko na, nakarating na kami sa school nang mas maaga at do'n na rin ako nagbihis pati si Sir.
Nung uwian, tinext ko si Lor na pumuntang rooftop at dumating naman ito kaagad.
"Ba't mo ako pinapunta dito?"
"'Di ba gusto mo ako?"
"Oo, sobra,"
"Sige, tayo na. Ilang beses ko nang pinag-isipan 'to,"
"Weh? 'Di nga?" nung una, 'di siya naniwala, "Yes! Yes!" sigaw nito.
"'Di mo alam kung gaano mo ako napasaya," niyakap niya ako nang mahigpit at sabay sabing, "I love you,
"Tara, hatid na kita,"
"Oh sige," bumaba kami ng rooftop nang magkahawak ang kamay. Hinated ako ni Sir sa bahay.
At nakarating na nga kami sa bahay.
"Wait lang, wala bang goodbye kiss?"
"Ahm, sige, sa noo lang ah,"
"Sure, I love you, ingat ka ah, see you tomorrow"
"I love you too, ingat ka sa byahe, mamahalin pa kita,"
"Mag-iingat talaga ako para sa'yo,"
"Bye na, ingat,"
Sana itong taong pinili ko ,piliin din ako araw-araw.
![](https://img.wattpad.com/cover/223264353-288-k429497.jpg)