At nakarating na din kame sa clinic, ayun 'di ako iniwan ni Sir.
"Ah, sir, pwede niyo na po akong iwan dito. Okay na po ako," sabi ko.
"Hindi, hihintayin na kita,"
"Ang caring naman ni Sir Lor," i whispered.
"Huh, ano 'yun? May sinasabi ka Railey?"
"Ah, wala po, wala," sabay kamot sa ulo.
Natapos nang lagyan ng gamot at bendahan ang sugat ko.
Pinuntahan ko na ang mga kaibigan ko sa Cafeteria, do'n kase ang meeting place naming magkakaibigan.
Nang makarating ako do'n, agad naman nila akong kinamusta, at tinanong kung okay na ba ang sugat ko.
"Okay lang ako. Wait, ba't parang kulang, Where's Val" tanong ko sa kanila, "Wala, nasa Art Club pa,"sabi ni Raven.
"Ah, sige guys, uuwi na ako, sabay na kayo?"
"No, thanks," sabi nito "Mamaya pa kami uuwi, umaambon eh, baka lumakas, wala pa 'yung sundo namim.
"Ah, sige, sige, I have to go, mauuna na ako bye, ingat kayo."
'Yon, wala akong kasabay umuwi kaya pinuntahan ko si Val, pagkarating ko naman dun nakita kong kayakap niya yung babaeng kasama niya kanina, kaya tumakbo ako palayo. Ewan ko ba may naramdaman akong saket.
At kamalasan, biglang lumakas ang ulan at naiwan ko pa yung payong sa room. Pero may taong bigla akong pinayungan para 'di mabasa ng tuluyan sa ulan at yun si Valen, hinabol niya pala ako no'ng nakita niya ako habang tumatakbo palayo.
"Bakit ka pumunta do'n? Tanong ni val habang pinapayungan niya ako.
"Ah, wala," sagot ko.
"Na-miss mo ako?"
"Huh, ba't naman kita mami-miss?"
"Siguro may bago ka nang bestfriend. Naaalala mo pa ako?"
"Oo naman, ba't naman kita makakalimutan," at niyakap ko siya kaagad pagkatapos niya sabihin yun.
"Oo, na-miss kita Val, sobra. Almost 6 years ka kasing 'di nagparamdam," at tinitigan niya lang ako.
"Tara na nga, hatid mo ako sa sakayan," sabi ko, "ay, 'wag na, sumabay ka na lang sa'kin, ihahatid na lang kita," sagot ni val. "Okay." pagsang-ayon ko naman.
"Ma, si Valen nga pala, classmate ko,"
"Good afternoon po, tita,"
"Good afternoon din, kapangalan mo 'yung kababata ni Railey,"
"ah, Ma, siya nga po yun," nagulat siya at biglang niyakap ni mama si Val.
"Sige po, tita, I have to go na po, Hinatid ko lang po si rai ,bye po, see you,"