Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, places, businesses, and incidents are either product of imagination or just used in a fictitious manner. Any resemblance to anything is purely coincidental.
Please bear with, I might have typographical and grammatical errors.
***********************
"Lia, reminding you for tonight, okay?", bungad ng bestfriend ko na si Kelsey when she came in to my office.
"Oh my gosh! I'm sorry, ofcourse I'm going. There's no way that I'm not coming tonight," pabiro ko pang sabi sa kanya.
She furrowed her brows and sat on the chair in front of me, "Good! Kasi if you won't come, I will drag you into that club." Sabi niya pa habang tinitignan ang mga documents sa table ko, "matagal tagal ka na ring walang boyfriend at walang dilig, baka naman!" pahabol pa niya.
"Alam mo ikaw, sobrang concerned mo talaga sa sex life ko, no? Anyways, uuwi na rin ako in a bit tatapusin ko lang yung revisions para sa presentation bukas. Ayokong mapahiya." I told her while editing the presentation in my computer.
She stood up and stopped before opening the door, "You know, napag isip isip ko, maybe it's time to be happy again. I think what happened in the past should be buried and it's time to live your life and be happy."
I bit my lower lip and pause on what I am doing, "Who said that I am not happy and still thinking about the past? Umalis ka na nga at magkita na lang tayo mamaya." Natatawang sabi ko pa sa kanya.
"Okay okay, sabi mo, eh! See you!" Sabay sarado niya ng pinto ng office ko.
Dali dali kong tinapos yung presentation para sa meeting bukas dahil ayoko mag rush. Napatigil ako ng mapansin kong 4pm na pala, kailangan ko na umuwi at kailangan ko pang mag ayos para sa night out namin nila Kelsey.
I took a quick shower upon arriving at our house. I wore a black open-back top and brown suede skirt with my lace-up high heels.
"Kuya Athan, BGC tayo. I'll just text you pag magpapasundo na ako," bilin ko sa kanya habang pasakay na ako ng kotse.
College pa lang ako si Kuya Athan na driver ko that's why he knows what to do everytime I go out with friends.
Pagdating ko sa club sinalubong ako ni Kelsey at Valerie, "Lia!" sigaw nila habang papalipit sakin sabay beso. "We thought hindi ka na pupunta. Let's go." Hila hila ako ni Valerie papasok ng club. Madalang kasi ako sumama sa kanila lumabas dahil inuubos ko ang oras ko sa trabaho.
May apat na bottle na agad sa table namin pagdating ko, dalawang Jose Cuervo at 2 Black Label. Nandito na rin ang iba pa naming kaibigan since college na si Ganiel, Miles, and Kazel. Infairness, namiss ko lumabas kasama ang friends ko. It's been a while.
Sa sobrang enjoy nakarami na kami ng inom at feeling ko naikot na yung paligid ko. Tumayo ako para hanapin si Kelsey, pero dumerecho na ako sa CR ng maramdaman kong bumabaliktad na ang sikmura ko. Palabas na ako ng CR ng may makita kong lalaki na nakatayo, "Fuck! Alcohol! Kamukha siya ni.." bulong ko sa sarili ko ng makita ko ang lalaking yun.
Hinila ko siya papasok ng CR at nilock ko ang pinto, "Baby, i missed you." Hinalikan ko siya sa lips pero he is not responding, "Ayaw mo ba akong halikan?!" Hinalikan ko siya ulit but he is not responding.
"Lia, give me your phone" masungit na sabi niya. Hanggang sa nagdilim na yung paligid ko.
Nagising ako sa kwarto ko, at nagtatakbo palabas looking for Kuya Athan, "Kuya Athan, paano ako nakauwi!" gulat na tanong ko sa kanya nang makita ko siya sa may pinto.
"May tumawag po sakin kagabi pinasundo po kayo," kalmadong sabi niya. "Pinabibigay niya po 'tong calling card niya dahil naiwan niyo po yung bag niyo kagabi."
Kinuha ko yung calling card while thinking na sana hindi totoo na nanghalik ako kagabi sa club, pero nanlaki ang mata ko ng makita ko yung pangalan sa calling card.....
Paul Daniel L. Sebastian
Civil Engineer
"Fuck my life."
BINABASA MO ANG
After All
RomancePaul, a civil engineering student, who is very clear with his dreams and goals in life. He wanted to be one of the most successful Engineers in the country. Until he met Lia, the easy go lucky girl who wants to enjoy her life to the fullest.