31

12 3 0
                                    

"Gusto mo ba sundan natin?" suggestion ni Miles. Nag iba rin talaga ang tibok ng puso ko ng makita ko si Mara na kasama nung bata.





"Look, kaya lang natin naisip si Paul ay dahil the way na mag damit yung bata. He looks like a 2 to 3 year old kid, nag break si Lia at Paul 2 years ago. Imposible naman." Kazel said. Pero kahit ako napapaisip sa nakita namin.


Pumasok kami sa isang jewelry shop dahil naisip ni Miles na bumili ng gift para sa sarili niya. Naalala ko yung ring na regalo sakin ni Paul, naisip kong ipalinis.


"Hi, naglilinis ba kayo ng jewelry? And can I also check the value of it?" I asked the girl assisting us.


"Can I have the jewelry po?" she told me. Inabot ko na sa kanya yung singsing habang busy ang mga kaibigan ko magtingin ng mga necklace.


"Ano yun Lia? Ibebenta mo?" tanong sa akin ni Ganiel.


"Gift sa akin ni Paul noong college. Ipapalinis ko lang." I told her. She gave me a nod at nagtingin na ulit kami ng mga necklace.


After a few minutes ay lumabas ang babae na pinagbigyan ko ng ring, "Madam, siya po yung may ari nung singsing." pagturo niya sa akin sa babaeng katabi niya.


"Aliana?" the lady said.


"Yes po? Do I know you po?" confused na tanong ko sa kanya.


"Aliana ang pangalan mo tama?" she asked.


"Yes po. Magkakilala po ba tayo?" napatingin sa amin sila Ganiel.


"No. But I know you're Aliana because you own this ring. This custom made ring was named after the owner. The ring Paul Sebastian asked me to make 10 years ago. We'll clean it for free." she handed the ring to the lady. "My staff told me you want to know the value? It's priceless, iha. Walang katulad or kamukha ang ring na ito. Isa lang 'tong ginawa ko na ganito. It was made exactly for you."


I was speechless the whole time. Hindi ko alam ang isasagot ko sa mga narinig ko. After I got the ring lumabas na rin kami sa jewelry shop. I'm still speechless sa mga nalaman ko pero hindi ko pa sinasabi sa mga kaibigan ko ang tungkol doon.




We went straight to the restaurant to have dinner after namin mag ikot, we surprised Miles with her favorite cake. "Wish! Wish!" sigaw namin sa kanya habang hawak namin ang cake. She closed her eyes and made a wish.





"So ano ang wish mo?" tanong ni Kelsey.





"May wish ako para sa inyong lahat, pero yung kay Lia, pinaka marami." she looked at me and held my hand. "Sana maging masaya ka na. Sana maging okay ka na. Sana bumalik na siya." she softly said.


Kazel's eyes widened while looking outside the mall, "Si Paul!". She's pointing outside the restaurant insisting that she saw Paul.


"Hoy, wag mong pinapaasa si Lia! Marupok pa naman 'tong friend natin." natatawang sabi ni Miles. Aaminin ko, bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Kazel. Hindi ko alam kung tama ba yung naramdaman ko, pero nag iba ang pakiramdam ko.


Umuwi na rin ako sa condo after our dinner, hindi pa rin ako makatulog kakaisip sa nakita raw ni Kazel. Kahit hanggang sa pag uwi namin, iniinsist niya na nakita niya si Paul. I lying in my bed awake thinking about him and the ring he gave me, is he really back?


I went to Australia last year trying to look for him, tinulungan ako ni Dom kaya nalaman kong nasa Queensland si Paul. During my 5 days stay, hindi ko siya nakita. I saw where he lives, pero sabi ng landlady niya he's not in the country.


After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon