"Ang init talaga pag open house." reklamo ni Kelsey pagdating namin sa site.
"Wow naman. Ang aga naman ni Engr. Sebastian!" bulong ni Kazel.
Late kaming nakarating sa site dahil sa traffic, siguro umuwi siya ng Laguna kagabi kaya maaga siya. He's wearing a plain white shirt paired with a washed slim fit jeans, white adidas nmd shoes with his club master shades on. Kausap niya ang ibang mga Engineer ng makita niya kaming dumating kaya lumapit siya samin para batiin kami.
"Good morning, Paul." bumeso sa kanya sila Kazel at binati rin siya nila Nicole.
"Kanina ka pa?" I asked him and kissed him on his cheek.
"Walang good morning muna?" natatawang sabi niya.
"Good morning, Engr. Sebastian." I smiled at him sabay kurot ko sa tagiliran niya.
"Yup, kanina pa akong before 8am dito." he gave me a chair para maupo na ako.
"What?" tinaasan ko ng kilay si Lawrence ng makita ko siyang nakangiti at nakatingin sa amin ni Paul.
"Wala naman, Ms. Lia. Blooming ka ngayon at laging maganda mood mo." he chuckled.
Inirapan ko siya at umiwas na rin ako agad ng tingin. Pinag uusapan namin nila Miles ang ganda ng mga bahay at pagkakagawa ng mga 'to. No wonder mabilis mabenta ang mga bahay sa project namin na 'to.
"Supervised by Engr. Paul Daniel Sebastian ba naman! Syempre maganda ang outcome." proud na sabi ni Miles. Tama siya. Sobrang hands on ni Paul sa project na 'to. Kahit gabi pupuntahan pa niya ang site para lang icheck kung ano ang problema.
"Chuckie!" excited na sigaw ng isang babae na nakatingin sa direction kung nasan si Paul. "Oh my god! Ikaw ang Head Engineer dito?!" she added habang papalapit kay Paul. Yumakap siya ng mahigpit kay Paul at bumeso pa.
"Wait, parang kilala ko yung girl na 'yon." sabi ni Ganiel.
"Bb. Pilipinas. Yan si Maxine." bulong ni Valerie.
"What are you doing here?" nakahawak pa siya sa braso nung babae. "Wait, I'll introduce you to the Marketing Head." nakapulupot ang kamay ng babae sa braso ni Paul.
"Maxine this is Lia the Marketing Head of Zamora Land, she's also the daughter of the owner." he introduced me to the girl.
"Also the ex-girlfriend and the fuck buddy." bulong ni Miles na natatawa.
Nakipag beso sa akin ang babae at todo ngiti rin. I just gave her a smile.
"Dahil ikaw ang Engineer dito, we'll surely get a unit here." malanding sabi ng babae kay Paul. "We should catch up! Let's go to your house later? Or maybe dinner at Solenad? Sky Ranch? Let me know after your work." natatawang sabi niya. Ang landi landi naman punyeta.
Nasamid sila Miles ng marinig ang sinabi ng babae. I rolled my eyes at Paul. Umupo na ako at iniwanan ko na silang mag usap. "Mainit ang ulo natin ngayon Ms. Lia." pang aasar ni Lawrence.
"Gusto mo rin uminit ulo mo sa Monday dahil wala ka ng work?" sagot ko sa kanya.
"Joke lang Ms. Lia, wag ka mag alala ipapa bugbog ko yang babae na yan mamaya dyan sa may gate." natatawang sabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/223503144-288-k542834.jpg)
BINABASA MO ANG
After All
RomancePaul, a civil engineering student, who is very clear with his dreams and goals in life. He wanted to be one of the most successful Engineers in the country. Until he met Lia, the easy go lucky girl who wants to enjoy her life to the fullest.