21

15 0 0
                                    

Open house ng isang subdivision namin sa Tagaytay. Lahat kaming Marketing ay nandoon. Present din si Kazel at Ganiel, sila kasi ang Interior Designers ng mga model house namin. "Kamusta na si Tita, Lia?" tanong ni Ganiel. 



"So far, okay pa naman. We're still trying to find a doctor for her." I answered.



"Ayaw mo ba talaga magsabi kay Paul?" mahinang sabi ni Miles.



"Masyado naman akong user nun pag ginamit ko na naman siya para sa benefit ko." natatawang sabi ko sa kanila.



"Speaking of." turo ni Kelsey sa kotseng kararating lang. Alam namin na si Paul yun dahil sa siya lang ang naka Range Rover sa kumpanya.



"Chuckie?!" sigaw ng isang client namin nakatingin kay Paul. Hindi namin siya kaedad, she's older but not that old.



"Hey!" nakangiting bati sa kanya ni Paul at bumeso pa.



"Ouch. Bumeso sa client, sa ex hindi." pang aasar ni Valerie.



"You work for Zamora Land?" tanong sa kanya nung babae.



"Uhmm, ganun na nga. Kamusta ka na?" pag uusap nila ng client.



"How long has it been? 8 years? Ang tagal na pala. Nasaan na yung singsing na-" hinila siya ni Paul palayo sa amin at dun sila nag usap malapit sa pool. Nakikita pa namin silang nagtatawanan.



"Ang asim naman nitong orange na 'to, sino ba bumili niyan." reklamo ko sa mga kaibigan ko.



"Lia? Ang tamis tamis nga eh!" sabay sabay pa silang nag agree.



"Baka maasim kasi nagseselos sa natatanaw. Jusko Lia, nagseselos ka dyan eh mas matanda yan kay Paul." Kelsey said habang tinatawanan nila ako.



Inirapan ko lang sila at tumingin pa rin kila Paul. Ang gwapo talaga nitong Engr. namin, he is wearing a grey button down dress shirt at naka tuck in yun sa blue jeans niya with his rayban shades.



"Ms. Lia, picture daw po kayong nga boss." sabi ni Nicole.



Nakita kong tinawag rin nila si Paul. Katabi ko si Miles at Kelsey, nasa may bandang gitna kami. Kasunod naman namin at si Ganiel at Kazel, sa kanila sumingit si Paul. Naka hawak sa waist ni Ganiel at Kazel si Paul.

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon