1

45 3 0
                                    

"Miles, I'll borrow your notes later sa dorm, hindi na ako makahabol kay Sir." Bulong ko sa kanya habang nag lelecture si Sir. We always do that, hiraman ng notes or minsan naman isa na lang ang nagsusulat for us the ipapa-photocopy na lang ng iba pag tinatamad magsulat.


Today is Friday and last day ng class for the week, we don't have classes on Saturdays. We're planning to go out tonight, well, lagi naman kaming nalabas pag Friday. After dinner derecho na kami sa club at depende na kung anong oras na kami uuwi.


After class, sabay na kami bumalik ni Miles sa dorm. I like to stay in a dorm rather than a condo. Feeling ko kasi ang alone ko pag nasa condo ako, also same dorm ako with Miles, Valerie, and Kelsey. While Ganiel and Kazel stays in a condo.


"Hoy, maligo ka na! Ang tagal tagal mong maligo!" sabi ni Miles sabay bato ng unan sakin.


"Actually, tinatamad pa ako kumilos pwede bang ikaw na lang muna?" pang aasar ko pa sa kanya. "Joke lang, eto na po babangon na po ate Miles" tinatawag ko siyang ate dahil siya yung masasabi kong matino sa aming lahat.


From: Kuya Athan

Ma'am dito na po ako sa labas ng dorm nyo


To: Kuya Athan

Ok, kuya. Will go down in 10 minutes.


"Hoy, tara na! Nandyan na si Kuya sa baba", pag-yaya ko sa kanila habang nakahiga pa si Kelsey sa kama niya at nag iisip kung makikita ba niya yung crush niya.


"Wow, Lia very consistent talagang may driver ka pag lalabas tayo, ha?" pang-aasar ni Kelsey sakin habang pababa kami.


"Sana naman Lia, yung susunod na mag-drive for you jowa na" patawang banat ni Valerie.


I pursed my lips and looked at them before getting inside the car, "Ayaw ko sakit lang yan sa ulo. And baka lagi lang kaming mag-away, so no thanks girl!"


From: Ganiel

Where are you na?

To: Ganiel

Near na


When we arrived, medyo marami ng tao but we managed to find Ganiel and Kazel.


"Ang tagal niyo naman, but anyway tara na!" pagbati ni Ganiel samin sabay pa-chug sa amin sa bote ng Jose Cuervo. Wala ng paligoy ligoy syempre! Hanggang sa makarami na naman kami tonight.


"2 Double Black please," order ng isang lalaki na biglang sumulpot sa tabi ko.


Kitang kita yung pamumula ng pisngi niya. Infairness, hindi siya amoy alak at hindi siya mukhang wasted. Ang bango bango niya at ang linis niyang tignan sa black v-neck shirt at jeans niya. Mukhang wala siyang kasama.


"Hello, are you alone?", tanong niya sakin ng mapansin niya na nakatingin ako sa kanya.


"Uhhhm, no I'm with my friends. But I think they're enjoying their night already with some boys" sagot ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa kanya na naka sandal na sa bar, "You? Are you alone?" pahabol kong tanong.


He sipped from his drink and licked his lower lip, "No, it's my friend's birthday. I just don't have a choice."


He looked so handsome kahit sobrang basic lang ng suot niya. He looked so clean. Everything about him is admirable.


"Bro, tara dun tayo sa couch!", my brows furrowed when I heard the voice of his friend.


"Lia?!!", bati sa akin nung lalaking tumawag sa kanya, "Hey! Anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo?" I knew it. From the voice itself, alam ko na si Dominic yun.


"Uhmm, nagpaparty at nainom alangang may prayer meeting kami dito?" pilosopong sagot ko sa kanya.


Natawa siya when he heard my answer to Dominic. Totoo naman yung sinasabi ko, hello? Nasa club kami, anong ineexpect nito ni Dominic na ginagawa namin. Highschool friend ko si Dominic, and talagang medyo ganyan siya kausap kaya hindi kami close. Pero mukhang it's time to be friends with him.


"Mauna na kami ng kaibigan ko. Bye!", hila hila niya yung kaibigan niya na crush ko na yata? Okay, crush ko na siya kasi nga ang bango bango niya tignan at basta ang gwapo niya.


"Lia, tara na! Lasing na sila Kelsey", inis na sabi ni Miles habang hila-hila niya si Kelsey at Valerie na mukhang lasing na nga.


Pagdating namin sa dorm, nagbihis na ako and did my skin care routine ng naisipan kong itext si Dominic itatanong ko sana name nung friend niya. Wala lang, gusto ko sana istalk sa facebook. Magta-type pa lang ako ng biglang may mag-chat sakin sa facebook.


Dominic Lee: Hoy! Crush mo yung kaibigan ko 'no?

Aliana Isabel Zamora: Ulol

Dominic Lee: Sayang, ibibigay ko pa naman sana sayo number at facebook.

Aliana Isabel Zamora: You know what Dom, I regret not being friends with you pala. You're nice naman and a good friend also.

Dominic Lee: Pakyu


Magta-type na sana ako ng irereply sa kanya ng biglang nagchat siya ulit.


Dominic Lee: Paul Sebastian.

________________________________________________________________________________________________________________________________

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon