3 araw ng hindi umuuwi si Paul. Hindi rin siya nagtetext or tumatawag. He's ignoring all my messages and calls. I tried to call Dom also pero hindi niya ako sinasagot. Sasagutin man niya ang tawag ko, sasabihin niyang hindi niya alam kung nasaan si Paul. May isang beses na sinagot niya ang tawag ko, alam kong magkasama sila dahil narinig ko ang boses ni Paul sa background but sabi ni Dom hindi niya kasama si Paul.
"Lia?" kumatok sila Miles sa office ko may dalang take out food.
"Sorry, di na ako nakalabas." inayos ko na ang mga papel sa table ko para mailagay nila ang pagkain dito.
"Hindi pa rin nasagot at nauwi?" tanong ni Ganiel. Umiling lang ako at ngumiti pinipigilan maluha kahit gabi gabi akong naiyak sa condo niya.
"Gusto mo try ko tawagan?" offer ni Kazel habang hawak ang phone niya. Hindi pa ako nasagot, ginawa na niya ang sinabi niya. Tinawagan niya si Paul.
"Hello? Paul?" tinuturo ni Kazel ang phone niya ng sagutin ni Paul ang tawag niya. She also put it on speaker phone so we can hear him.
[Yes, Kazel?] sa interior design kasi naka assign sila Kazel baka kaya niya sinagot dahil pwedeng may itatanong siya kay Paul.
"May ipapa consult sana ako sayo, nasa San Juan ka ba?" tanong niya kay Paul.
[Wala, eh. Hindi ba kayang iemail yan?] pakiramdam kong alam ni Paul kung bakit siya tinatawagan ni Kazel.
"Personal na lang sana para mabilis magpa approve sayo." sabi ni Kazel
[Okay, nasa San Juan ako mamaya. Pakidala na lang don.]
"Okay, thank you." she ended the call.
"Puntahan mo na dun sa office niya. Bakit ba kasi ayaw mo pang-" natigilan si Ganiel sa pagsasalita ng biglang pumasok si Lawrence at Nicole.
"Ms. Lia! Si Engr. Sebastian!" tinuturo nila sa labas si Paul na kasama si Dom at si Jamie, yung isa pa nilang Engineer sa kumpanya niya. Papunta sila sa office ni Daddy.
"Hala Lia, parang mas lalo siyang gumwapo ngayon nung 3 days siyang nawala?" napansin ni Miles kay Paul.
Kausap niya si Dom at si Jamie habang papunta sa office ni Daddy. Iniisip kong abangan si Paul sa office niya pero baka hindi siya pumunta doon kaya nag stay kami nila Miles sa table ni Nicole. May meeting kami ng 1pm, pero hindi pa rin sila nalabas ng office ni Daddy. Pumasok na kami sa conference room pero nasa loob pa rin sila ng office ni Daddy.
Patapos na ang meeting namin ng pumasok si Daddy sa conference room kasama si Jamie. I was expecting na kasunod nila si Paul pero si Dominic lang ang nandoon.
"Good afternoon!" bati ni daddy sa amin "I would like you all to meet Engr. Santos and Engr. Lee, sila muna ang papalit kay Engr. Sebastian habang busy siya sa mga project ng company nila."
Tumingin sa akin si Dom at napailing. Alam kong may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi sakin. After ng meeting naisipan kong puntahan si Dominic sa office nila. Iba ang office nila sa office ni Paul.
"Dom?" pumasok ako sa office niya at nandoon siya may kausap sa phone.
"Okay sige bro. Mamaya na lang" ibinaba na niya ang phone niya at humarap sakin.
BINABASA MO ANG
After All
RomancePaul, a civil engineering student, who is very clear with his dreams and goals in life. He wanted to be one of the most successful Engineers in the country. Until he met Lia, the easy go lucky girl who wants to enjoy her life to the fullest.