"Welcome to the company, Engr. Sebastian" bati sa kanya ni Daddy at Tito dahil tinanggap na niya ang offer ng company namin. He's now our consultant and Head of Engineering Department.
"Congrats. And welcome." I greeted him at tumayo ako sa pinto ng office niya.
"Thanks." pumasok na siya sa office niya at nag ayos na ng table niya. Magkatabi lang kami ng office. Mas simple nga lang ang ayos ng kanya.
"Pupunta ako sa isa sa mga site mamaya in preparation for the launching on Sunday. Baka gusto mong sumama?" I asked him.
"Is that the one in Batangas?" patuloy lang siya sa pag aayos ng mga gamit niya.
"Yup. But if you can't come. It's okay. Pupunta ka rin naman doon sa Sunday." sumandal ako sa may pinto dahil nahihiya akong pumasok.
"Okay. Just let me know when we're leaving." hindi man lang siya tumingin sa akin. Masyado siyang busy na ayusin ang mga gamit niya. Umalis na ako para mag ayos ng gamit. Malayo layo ang Tuy kaya gusto ko maka alis ng maaga.
"Nicole, pupunta na akong Batangas. If there's an urgent stuff, just call me." I told my Secretary before leaving. I knocked on Paul's office, "Are you ready?" I asked him. Tumayo na rin siya agad at dinala na ang mga gamit niya. Hindi kami nag uusap hanggang sa elevator. Hindi ko alam kung saan kami sasakay.
"Convoy ka na lang?" I started the conversation.
"Let's just use my car." he said.
Kaya ko bang sumakay sa iisang kotse kasama siya na kaming dalawa lang? Bahala na. Pagdating namin sa parking nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa harap ng kotse niya. Latest model ng Range Rover. Mahilig talaga siya sa mga SUV. Never ko pa siya nakitang nag drive ng sedan. I can still remember his Audi car. He opened the shotgun door pero umikot na rin siya sa driver's side at sumakay na.
"Just tell me the direction." he said. Tahimik lang siyang nag mamaneho. Same old Paul. Hindi siya nagsasalita kung hindi mo kakausapin.
"Drive thru?" He asked.
"No, thanks." I answered.
"Okay, I'll stop in the next gasoline station." he continue to drive. As usual, smooth driving. Mukhang bago pa yung sasakyan niya. Or talagang maingat lang siya sa mga sasakyan niya. Tumigil kami sa isang gasoline station dumerecho naman siya sa CR. Naisipan kong bumaba para bumili ng coffee. Naisipan ko rin siyang bilhan ng coffee.
"2 Hot White Mocha. Venti." I told the barista. Nakita ko na si Paul na nasa labas, maybe he's waiting for me. Maybe he's not. May kausap siya sa phone paglabas ko, mukha siyang seryoso. Sumakay na kami sa kotse niya, at inabot ko sa kanya yung coffee na binili ko.
"Thank you." he whispered habang may kausap sa phone.
"I'll check on it, mom." It's his mom. "Yeah, will do that. I have work on Sunday also, so no problem. Okay okay, I'll see you. I have to go I'm driving. Bye, mom. Love you too." He ended the call. He started driving again. Malayo pa kami sa Tuy pero hindi ako inaantok. Siguro gusto kong ienjoy yung mga oras na kasama ko siya sa sasakyan.
"Nasa Singapore na pala dad mo?" I opened a conversation.
"Yup. 5 years na." he sipped on his cup of coffee making him lip his lower lip.
BINABASA MO ANG
After All
RomancePaul, a civil engineering student, who is very clear with his dreams and goals in life. He wanted to be one of the most successful Engineers in the country. Until he met Lia, the easy go lucky girl who wants to enjoy her life to the fullest.