18

10 1 0
                                    

"Good morning, Lia." bati ni Miles sakin pagpasok niya ng office ko. "Eto na yung mga for signing mo. Para yan sa mga promo natin and everything." Sumilip ako sa labas ng akala ko dumating na si Paul, napatingin din si Miles sa labas. "Wala pa. Hindi pa nadating." she looked at me and gave me a confused look. "Nakausap mo na siya?"



"I gave him so much pain." sabi ko sa kanya habang nag pipirma ako ng documents. "Lalong sumama ang tingin ko sa sarili ko after ko malaman kung ano nangyari sa kanya nung iniwan ko siya."



"Lia, ang mahalaga okay na siya ngayon. Naka moved on na siya. Patawarin mo na ang sarili mo. Kasi siya, mukhang napatawad ka na niya." she added.



Tama naman si Miles. Yun din ang sabi sakin ni Paul, napatawad na niya ako. Pero hindi talaga ako mapakali. Pakiramdam ko dala dala ng konsensya ko yung ginawa ko sa kanya noon. Naisipan kong icheck si Paul kay Nicole. Tumayo ako at sumilip sa labas "Nicole, wala pa ba si Engr. Sebastian?" tumingin siya sa office ni Paul na 3 days ng hindi napasok. 



"Madam, wala pa po. Pero hindi naman po siya hinahanap nila Chairman. Baka po nagpaalam na sa kanila. Sa inyo na lang po yata di pa nagpapaalam." pang aasar niya sakin na mukhang kinikilig pa.



"Tumawag ka nga sa firm niya. Meron akong icoconsult sa kanya." agad naman niyang kinuha ang phone niya para tumawag sa firm ni Paul.



"Akin na, ako na lang kakausap." kinuha ko sa kanya ang phone para kausapin ang secretary ni Paul.



"Hi, this is Lia Zamora."

[Hi, Ms. Lia. Is there anything that we can do for you?]

"Nandyan ba si Engr. Sebastian? I need to consult something with him."

[Oh I see po. Naku, wala po si boss today. Naka leave po siya simula nung monday. Kahapon po nagpunta siya dito pero may kinuha lang then umalis na po ulit.]

"Saang site siya pwede puntahan?"

[Nung monday po, nasa Singapore po siya kahapon lang po siya dumating. And today po, he called may sakit po siya.]

"Where is he staying right now?"

[Ha? Ano po? May sakit po si Engr?]

"I mean, I need to drop off the documents to his house."

[One Shangri-La po.]

"Okay. Thank you."



Inayos ko agad ang mga gamit ko at kinuha ang bag ko. "Nicole, kung gusto mo umuwi ng maaga, go. Sabihin mo na lang inutusan kita. I'll just have a meeting and give this documents to Engr. Sebastian." umalis na agad ako na hindi ko na hinintay ang sagot niya. 



Hinanap ko agad si Kuya Athan at dumerecho na sa kotse. "Kuya Athan, One Shangri-La sa Mandaluyong tayo." He started the engine and drove all the way to Mandaluyong. Ibinaba na ako ni Kuya Athan sa One Shangri-La. "Kuya, ikot ka muna sa megamall." inabutan ko siya ng extra money for his lunch or kung ano man ang gusto niya bilhin. 

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon