15

8 0 0
                                    

Pag pasok namin sa conference room nagulat sila Miles na kasunod ako ni Paul. Sumenyas ako sa kanila na wag silang mag rereact. Deadma lang si Paul na hawak nag phone niya na mukhang may kausap.






"Please, sit down." sabi ni Paul at itinuro ang upuan.






"Engr. Sebastian, we're here para magdiscuss sa inyo ng offer ng Zamora Land to be our Head Engineer." pagdidiscuss ni Kazel sa kanya habang ipinapakita ang mga company portfolio namin.






"Why me? I mean, sobrang daming magagaling na engineers in the country. Hindi lang ako. Your company should know that I can be a competitor in the near future." he looked at me habang pinaglalaruan ang phone niya.





"Malaki ang tiwala namin sayo. And we admire your works." I told him sabay umiwas ako ng tingin sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay na parang may mali sa sinabi ko.





He sighed and smiled at me, "Sure ka na ba dyan?" Napa sandal siya sa sa swiveling chair na inuupuan niya.





Napatingin sa akin sila Kazel dahil sa malaman na tingin at sinabi ni Paul.





"Hindi naman siguro kami pupunta rito kung hindi kami sure." naiinis na sabi ko sa kanya.





Kumatok ang secretary niya at sumilip sa conference room, "Boss, Dra. Yao is here to see you."






"Okay, tell her 5 mins" he told her.






He glanced at me. Parang may gusto siyang sabihin pero di na rin niya itinuloy.






"Let's re-schedule the meeting. Maybe in your office? My secretary will call you for the time and date." Tumayo na siya sa upuan niya at biglang tumigil bago buksan ang pinto napatigil rin tuloy ako sa paglakad.






"Wag mag iinom, if you can't handle yourself." he told me.






"Pake mo? I can handle myself." I raised my brow at him at iniwasan siya ng tingin.






"Okay." he chuckled.






Umalis na siya at bumalik na sa office niya. Paalis na kami pero hindi mawala ang tingin ko sa office niya na iniisip kung bakit magkasama sila ni Mara ngayon.






"Okay tell her 5 mins." Miles trying to copy Paul's voice.






"Stop it." I told them.






"Akala naman namin asawa ka at kasunod ka. May iba palang bisita sa office." pang aasar ni Kelsey sakin dahil alam nilang pinag selosan ko si Mara noon.






"Lia, ang gwapo niya lalo ngayon." siniko ako ni Kazel ng makita na papalapit din sa elevator si Paul kasama si Mara. Kasabay namin sila sa elevator. Umiiwas ako ng tingin. Masyadong busy si Paul sa phone niya parang may kausap siyang importante.





"Chuckie, aren't you going to the party tonight? Also, Maxine is expecting you there. You should go." rinig kong tanong sa kanya ni Mara. Chuckie? Wow, may pangalan naman siya bakit di niya tawagin sa Pangalan si Paul.






"I'm coming. That's why I need to finish everything. She also called me last night, I have to be there." humawak siya sa waist ni Mara kaya lumayo ako ng tingin. Kinuha niya ang phone niya at may tatawagan yata siya.






"Dom, can you check the site in Cavite? I need to attend Maxine's party tonight." he sighed " Ok thanks bro."






After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon