R-18.
Nagmamadali akong maglakad papasok ng office, medyo late na ako. May meeting pa naman kami ng 10am para sa new project sa Bulacan. "Good morning, Ms. Lia. Nasa conference room na po sila." bungad ni Nicole sakin.
Tinulungan niya akong ilagay ang gamit ko sa office ko at dumerecho na kami conference room. Paul is already there, kausap niya si Kazel at Valerie. Nakaupo na rin sila Miles pati sila Ganiel at ang ibang heads. "Good morning. Sorry, I'm late." pag bati ko sa kanila. Umupo na ako sa head of the table. Nasa kanan ko si Paul katabi niya si Ganiel at Kazel, sa kabila naman sila Miles.
Nag umpisa na ang meeting at nag discuss narin sila ng about sa mga budget at designs para sa new project. Ipapakita ko na lang kay Daddy para sa huling approval. "Engr. Sebastian, I heard you're still single?" tanong sa kanya ng VP namin sa Finance.
He smiled at me, "Yup. Very much single." He bit his lower lip hiding his smile when he saw me looking at him.
"Sir, sobrang single nito ni Engr. Sebastian masyadong workaholic. Looking na rin ng magiging asawa." dagdag pa ni Lawrence.
"Ipapakilala kita sa anak ko. She's an architect. Baka magkasundo kayo." dagdag pa ng VP namin. Tumingin sa akin sila Miles. Binigyan ko naman ng masamang tingin si Paul at sinipa ko siya sa ilalim ng table.
"Let's see, Mr. Alvarez. Baka sakaling kami ang perfect match. So, why not." sabi ni Paul na nakangiti pa na parang nang aasar. Sinipa ko ulit ang legs niya sa ilalim ng table.
"Di ko naman alam architect na pala hanap mo ngayon, Engr. Sebastian. Pero sabagay good tandem ang Engineer at Architect." pang aasar pa ni Kelsey na binigyan ko rin ng masamang tingin.
"Are we done? Meron pa ba tayong ididiscuss?" masungit na tanong ko sa kanila. I raised my brows at them pero tinawanan lang nila ako.
"Bukod sa lovelife ni Engr. Sebastian, wala na po Ms. Lia." dagdag pa ni Nicole. Isa isa na silang tumayo kasama na don si Paul. Kami na lang ng mga kaibigan ko ang naiwan sa conference room.
"Lia, ang obvious mo ah?" natatawang sabi ni Ganiel "Bakit mo sinisipa si Paul?" Napailing sila Valerie at hindi mapigilan ang tawa. Alam nilang napipikon na ako.
"Hindi ko siya sinisipa, nadali ko lang siya." pagdedeny ko. I rolled my eyes at them.
"Okay, sabi mo, eh. Pero ang obvious mo mag selos." natatawang sabi ni Kazel.
Tumayo na kami at lumabas na rin ng conference room. Bumalik na sila sa mga office nila at ganon rin ako. Napatigil ako ng maisip kong dumaan sa office ni Paul. Pumasok na ako sa loob dahil wala naman siyang kausap. Hawak niya ang phone niya at mukhang may pinapanood lang.
"Yes, Ms. Zamora?" he asked when he saw me enter his office.
"Architect? Doctor? Ms. World? Bb. Pilipinas? Ibang level ka na talaga ngayon Engineer Sebastian." I told him at tinaasan ko siya ng kilay.
"What?" he raised his brow and glared at me.
"Very much single?" sabi ko sa kanya habang naka taas ang kilay ko.
"I just told him the truth." he smirked at me.
"Nakakainis ka talaga kahit kailan! Gustong gusto mo talagang nagseselos ako 'no?!" sobrang napipikon na sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
After All
RomancePaul, a civil engineering student, who is very clear with his dreams and goals in life. He wanted to be one of the most successful Engineers in the country. Until he met Lia, the easy go lucky girl who wants to enjoy her life to the fullest.