R-18.
Kinakabahan akong pumasok agad sa bahay pagdating namin ni Kuya Athan. Nakita ko agad si Daddy sa living room.
"Dun tayo sa office ko." hindi niya ako pinansin o kahit tinignan man lang.
Sabay kami ni mommy pumasok sa office ni dad, nilock ko ang pinto. Handa na ako sa kung ano man ang mangyari.
"Punyeta ka, Aliana!" inawat siya ni mommy pero nasampal pa rin niya ako. "Paano mo ipapaliwanag sa akin 'to! Sige nga!" Pinakita niya sakin yung picture na nakayakap ako kay Paul.
"I have no plans of denying it. He's my boyfriend. I love him. I fucking love him."
Sinampal niya ulit ako sa kabilang pisngi ko.
"Efren, tama na! Wag mo naman saktan si Lia. Pag usapan natin 'to." pag awat sa kanya ni mommy.
"Dad, matinong tao si Paul. Mahal niya ako. Nirerespeto niya ako-"
"Respeto?! Respeto ba yang ginagawa niyo?!" ramdam na ramdam ko ang galit niya sakin. "Bukas na bukas pupuntahan ko yan sa Manila. Ako ang kakausap sa kanya, hindi ba niya ako kilala!"
"He doesn't know you. I don't even want him to know you. Because of this!" sasampalin niya ulit ako pero napigilan siya ni mommy.
"Hindi mo alam ang kaya kong gawin sa lalaking yan, Lia." pagbabanta ni daddy sakin.
Lumuhod ako sa harap niya kahit itinatayo ako ni mommy, humawak ako sa kamay ni daddy, "Dad, please. Spare him. Nagmamakaawa ako sayo."
I started crying, "I am begging you. Gagawin ko lahat ng gusto mo. Iiwan ko siya. Iiwasan ko siya. Please. Nagmamakaawa ako sayo. Wag mo siyang gagalawin, parang awa mo na."
Pilit akong itinatayo ni mommy pero ayokong tumayo, handa akong lunukin lahat ng pride ko at isakripisyo ang kaligayahan ko para kay Paul.
"Efren, maawa ka naman sa anak mo." hindi pa rin tumitigil si mommy na itayo ako sa pagkakaluhod ko kay daddy.
"Dad please, lahat gagawin ko. Please, don't you ever lay a hand on him. Nagmamakaawa ako sayo." humahagulhol na ako ng iyak habang nagmamakaawa kay daddy.
BINABASA MO ANG
After All
RomancePaul, a civil engineering student, who is very clear with his dreams and goals in life. He wanted to be one of the most successful Engineers in the country. Until he met Lia, the easy go lucky girl who wants to enjoy her life to the fullest.