† Prólogo

9.5K 183 2
                                    

† † †

         Carquirelle ran off as fast as she could-nearly stumbled by hasting. She headed to the parking lot at her car and abruptly hopped on it. Matapos nya kasing matanggap ang tawag mula sa mga police ay agad syang nagtungo sa pribadong ospital na kung saan dinala ang kanyang kapatid. "Is this Ms. Carnala's sister?"

"Yes, ako nga. Who is this? Bakit nasayo ang phone ng kapatid ko?"

"This is Chief Go. I'm sorry, ma'am, but your sister got caught in an accident. Her car unfortunately fell off the cliff."

Tinapakan nya ang silinyador. Wala syang pakialam kung lumagpas sya sa speed limit. Ang mahalaga lang sakanya ay ang makarating sa kapatid nito.

"...Ngayon lang namin na recover ang sasakyan nya. Kaya dinala namin sya sa Hirsch Medical Hospital. We will investigate the incident. And then, call you right away if there was infiltration."

Pagkababa ng tawag hindi nagtagal ay nakarating sya sa ospital habang patuloy pa rin sa pag-agos ng kanyang luha. "Nurse, nasan ang room ni Carnala Deladia. I'm her sister!"

"She's in the ER. Second floor, dulo."

She wasted no time and dashed along the white-painted hallway. Her heart was pounding as her hot tears streaming down through her face.

Tuloy-tuloy syang lakad-takbong tinungo ang Emergency Room. Sarado ito kaya walang pag-alinlangang dumeretso sya papunta sa loob. Bawal man o hindi ngunit kailangan nyang makita ang kalagayan ng kapatid. Pero bago pa sya tuluyang makapasok ay agad itong bumukas.

Mabilis syang huminto na muntik pang tumama sa kaharap. Nakaramdam sya ng hiya nang mapagtanto kung gaano sya kalapit dito. Mabilis syang humakbang paatras.

Sa puting surgical gown at mask na natatakpan ang bibig at baba nito ay marahil sya na ang doktor na tumingin sakanyang kapatid. "What is your relation to Ms. Carnala Deladia?"

Nang magtagpo ang kanilang mga mata ay tila natigilan ang dalaga. As if she was hypnotized by his ash eyes. It seems everything went slowly and blurr. And all she could see was the man standing infront of her.

"Miss?"

Nabalik sya sa reyalidad ng marinig ang boses nito. "A-Ako po ang kapatid ng pasyente.'' anito. "Kumusta na po sya? Anong lagay nya? Hindi naman ga'non kasama doc. diba?"

She was hoping for miracle. Kahit suntok sa buwan ang umasang hindi sya gaanong napuruhan dahil bangin ang kinabagsakan nito.

"I'm sorry to ruin your hopes, Ms. Deladia. But your sister have a huge fracture in her brain. Kritikal ang kalagayan nya ngayon. Though the Police told me that the cliff wasn't actually deep. We still need to check her vitals."

Halos gumuho ang mundo nya sa narinig. Hindi sya makapaniwala sa dinanas ng kapatid. "Gawin nyo po ang lahat Doc. Ayokong mawala ang kapatid ko." she cried.

"We will."

Eleven-forty-five in the evening, tahimik syang nakaupo sa tabi ng walang-malay na kapatid. Napapalibutan ito ng benda sa ulo at tubo sakanyang bibig. May kung anu-ano ring aparato ang nakakabit sakanya.

Ang lahat ng pagod nya sa pagtatrabaho ay biglang nawala at napalitan ng labis na bigat sakanyang dibdib. Awang-awa sya sa kalagayan nito. Kung pwede nga lang kunin nya ang lahat ng sugat at hilinging sya nalang ang nakaratay...she would do it in heart beat.

Carnala was her only family. Ayaw nyang pati ito ay mawala sa buhay ng dalaga. And she would do anything just to save her.

Naantala sya sa pag-iisip nang makarinig sya ng tunog mula sa monitor. Pabilis ng pabilis ang heart rate ng kapatid. Lalo syang nilukob ng matinding kaba.

Taranta syang tumayo at unang inisip ang tawagin ang doktor. Before she got the chance to reach the door, it opens immediately. Pumasok ang kaninang doktor na nag-opera sa kapatid na ngayo'y walang mababahid na emosyon sa mukha.

"Doc. my sister! save her!"

Gumawi ang paningin nito sa kanyang kapatid at huling dumako sakanya. He looked at her with no emotion. "All people were born to die, Ms. Deladia."

"A-Ano—"

Natigilan sya nang lumapit ito sa gilid ng kanyang kapatid. Tila sinusuri ang kabuoan nito. "You see, her body was slowly deteriorating. The scent of her soul had weakened. So, if I were you, I'll just accept the fact that she'll die sooner or maybe... right now."

Nagtangis ang kanyang bagang at mabilis na hinakbang ang distansya nila. Saka malakas na sinampal ito sa pisngi. "Ano bang klase kang doktor?! You should save lives but you're telling me to let my sister die! Doktor ka ba?!"

Mukhang napasobra siya sa ginawa nya kaya binigyan sya nito ng matatalim na titig. Kitang-kita ng dalaga kung paano gumalaw ang panga nya at humigpit ang kamao nito. "You want me to save your sister?"

Nakaramdam sya ng takot dahil sa madilim nyang mukha. Maging ang boses ng binata ay nagbibigay ng kilabot sakanya. "Fine! I'll extend her life but what can you offer?"

Malalim syang suminghap ng hangin upang mawala ang tensyon sa pagitan nila. Hindi pa rin normal ang bilis ng tibok ng puso ng kapatid. "I can pay money whatever it cost."

Humalaklak ito at umismid sakanya. "I don't accept money Ms. Carquielle Deladia."

"Paanong-" natigilan sya nang mapansing nakakulong na sya sa magkabilang bisig nito.

Beep. Beep. Beep...!

Lumapat ang tingin nya sa nakababatang kapatid at nakitang nanginginig ito sa kinahihigaan. Lalong bumibilis ang heart rate nya.

She turned her gaze to him and pleaded. "Please save my sister! Gagawin ko ang lahat pagalingin mo lang sya. Nagmamakaawa ako." kasabay noon ang patuloy na pagragasa ng kanyang luha.

His lips drew a smirk. "I will give her a chance to live, but there is one condition."

"A-Ano 'yon?'' then he held her chin and look intently to her eyes.

He smirked. "Be my bride."

THE HELL KING'S BRIDE [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon