I really missed Nickollo.
Bukas na ang laban ni Nickollo sa Journalism kaya natutuwa ako kasi makakasama ko na uli siya. Halos puro training kasi siya kaya di na namin siya nakakabonding ng Barkada. Sabi niya babawi siya and lagi siya nagtetext kapag gabi dahil non nalang siya nakakapagpahinga dahil nagrereview din siya pag-uwi. Ang talino kasi ayan siya ang pambato. Pero siempre sobrang proud ako sa Bespar ko kasi dagdag nanaman sa experience niya yon.
Malapit na din ang Christmas Party and kasabay non sa gabi ang Student's Night. Yun ay ang last day ng pasukan ngayong December. Ang bilis ng panahon magpapasko nanaman. Grabe ilang beses din akong nagpakatanga sa mga challenge ng Barkada noon di ko makakalimutan yung pinapunta nila ko sa quarangle and sobrang init that time argh tapos dun ko nakita si Kent pero di pa kami masiadong naguusap non. Tapos nung pawis na pawis ako dun umeksena si Nickollo para kuhanin ako bayadan nalang yung Barkada sa punishment ko buti di masiadong mainit kasi challenge yon na nabunot ko.
Lagi akong sinesave ni Nicko sa mga Challenge kaya ayon anlaki ng utang ko kay Nicko pero sabi niya ayus lang daw yon dahil bespar kami buset kasi sila Yuan tumatawa tawa pa. Pero yun ang masarap sa samahan ang may mapangasar kaso ang di masaya yung ako ang trip nila madalas buti nga ngayon di na masiado. Dahil takot nalang nila saken masapak ko pa sila char ang savior ko is si Nickollo oh diba ang sweet pero....
Never ko pa nasave si Nicko kaya nahihiya ako sakanya sa ganon pag need niya ko wala akong magawa.
Naalala ko yung ilang cards na nasa bag ko pa bali 85 na lahat and super connected ng bawat line nabubuo ko siya every card kasi is isang stanza then connected siya parang story na poetry. Ang galing nga ih sino kaya kasi nagbibigay sakin neto sana makilala ko na siya.
Grabe may mga tao palang makakagawa sayi ng ganitong poems? Like seriously ang babaeng katulad ko pa!?
Nilapitan ko si Lester nung wala na kaming klase.
"Lester, usap tayo?"
Ayoko na kasi ng nagpapanggap kami sa nagulang niya. Kailangan ko siyang kausapin.
"Oy girl san ka pupunta?" si Samy
"Kay Lester. Kakausapin ko lang"
Bago pa man ako makapunta kay Lester ay papalapit na siya sa gawi ko.
"Izee I have a good news"
"Amm what is it?"
"Napakilala ko na si Yesha sa Pamilya ko and okay na hindi na natin kailangan magpanggap saka nga pala close friend pala ni Mommy magulang ni Nicko, sama mo kaya siya para may kasama ka din"
"Hindi na baka kasi busy din yon pero titingnan ko, and anw di ko pa sure kung makakasama kami sa outing I'll just talk to Ate Lesley nalang"
"Okay, sorry Izee. Thankyou sa lahat a"
He smiled at me and I smiled back pero deep inside para akong natuliro dahil di ko alam kung magiging masaya ba ko or basta nabigla ako. Bakit ganon? Bakit ang dali kay Lester na magbitaw ng mga salita niya? na parang wala lang yung nangyari sa amin noon. Gusto ko si Nickollo pero ayokong saktan si Kent kung totoo mang may gusto nga siya sakin pero bakit ang sakit parang ang talim sa dibdib nung nalaman kong may iba na siyang pinapasaya?
Hays siguro okay lang na naramdaman ko to?? Kasi kahit paoano ex ko si Lester and minahal ko siya at the same time. Pero mas dapat kong gawin is tanggapin ang katotohanan ang magsimula muli. Kung masaya siya then I should be happy too.
Kaya ko 'to kakayanin ko, kinaya ko dati, umulit lang naman.
Hindi ko na pinansin yung about samen ni Lester mainam na yon kesa may closure pa kami mas okay ng may gf siya di na niya ko makukulit and mas makakapagsimula ako ng akin.
The Next Next Day.
Yey kasama na namin si Nickollo ule. Wala kaming klase today and bukas ang Party ng lahat na pinakahinihintay ng mga kaklase ko lalo na ng may mga lovelife.
I hugged Nickollo first and napansin ng barkada na kaming dalawa lang magkayakap.
"Ehem ehem"
panay ang ehem nila samin jusme mga to talaga kaya inaya ko sila para maggroup hug
"Okay, group huggg!"
"Miss na miss niyo naman ang pinakagwapo sa BarD's"
"Wao mahiya ka nga Nickollo, ako ata yon" si Yuan.
"Ayan nanaman kayo" si Tracy
"Nako Yuan, ang panget panget mo nga!" si Dezie
"Crush mo kamo ko!" si Yuan
"Owssss no way!"
"Pakipot ka pa ako pa ata liligawan mo e"
"Kadiri ka naman Uno!"
"Oh Ikaw Izee andami mong utang saken!"
"Anong utang?"
Aaaa gets ko na.
"Pamaya a."
"Oy anu yon a!" si Emman
"Ang green mo kahit kailann, maguusap lang yan kitang namiss isat isa e" si Samy
Kumain lang kami hanggang sa nabusog and puro kwentuhan session nanaman.
Nakwento ko kay Nicko yung pagdagdag nung cards sabi niya aalamin namin kunsino yon basta focus muna kami sa ibang bagay ngayon. Tapos pati yung kay Lester nakwento ko na din pero yung about kay Kent hindi kasi di naman din ako sure kung talagang may gusto sakin yon di naman siya umaamin.
"Inaalagaan mo ba sarili mo?"
"Baka mamaya panay nanaman puyat mo"
"Masiyado kang praning, okay lang ako."
Kita mo to. Napakacaring oanong di ako mafafall kahit sanay na ko siempre iba pa din epekto minsan sakin.
"Baka kasi nagpapasaway ka nung wala ako lagi sa tabi mo"
"Namiss kita Nickollo!!!" sigaw ko sa kanya ng pabulong
"Ano?!"
Aba kunwari oabg di narinig. Hinsi ko kinibo at tumingin ako sa gilid at sakto nakatingin sakin si Kent kaya nagkaeye contact kaming dalawa.
Pinagmamasdan niya ba kami?
"I miss you too pasaway!" sabay hawak sa pisngi palingon sa harap niya
Napatagal ang usapan kasi ang tagal bago maguwian nakakainip na pero di ako ganong nainip dahil kasama ko si Nickollo buong maghapon at iniwan namin ang barkada sa room. Nasa tambayan kami ngayon at kumakain.
Nagtatawanan, nagkwekwentuhan at naghahampasan hays one of the best moment I ever had na ayokong matapos.
------------------------------------------------------
Vote this part and follow my account mwa!❤
Hope you enjoy reading.
Twitter&ig. @justaqtstranger
BINABASA MO ANG
Catch me, If I fall (Porcalla Series I)
Teen FictionFor the short description of this novel. •a love to my altruistic best friend= unexpected love from a logophile guy ---not completed, still updating... •Summarized(Importance). Logophile guy's unexpected love was the only way for her to escape the p...