23rd Chapter

44 6 0
                                    

His deep question.

Nung pasko pumunta lang kami saglit kila Lola tapos nagovernight kami both side of the family namin ni Nickollo. We did a great moment. As usual lagi nanaman akong inaasar ni Nickollo tumataba daw ako kasi nga halos sa bahay lang ako netong bakasyon at tamang kain lang sa bahay kasi ayoko ding lumabas. Dumadalaw siya lagi sa bahay dinadalan ako ng pagkain pati sila Mommy at Kuya.

Nagopen ako ng facegram ko, pinost ko yung bago naming pictures ni Nickollo pati ng family and ng kumpleto sa picture kaming Barkada. Next week sa family gathering ng Porcalla kami ni Mommy si Kuya susunod nalang pero bago kami pumunta sa event magceceleb muna kami ng Pamilya ko and didiretso na doon.
Dahil nga din kasosyo ni Mommy ang Mama at Papa ni Nickollo at best friend ko din siya is di naman kami pupunta sa gathering kung hindi diba?

Lalabas muna ko ng bahay, at naisipan kong pumunta sa malapit na park dito sa subdivision, I use my bike may basket sa harap tapos may angkasan sa likod actually matagal na ito sakin siguro junior high pa ko. Habang papunta ako sa parke may pumukaw ng paningin ko sa covered court, may mga batang bading na naglalaro ng Chinese Garter o Lasteng pamone sa tagalog kung tawagin.

May nakapwestong bilihan ng turon, bumili muna ako dahil sakto ay miryenda time na. Nakikita ko sa mga mata nung mga bata yung saya ng halakhak at yung ngiting di maalis. Ang dami na ding batang naiimpluwensyahan ng Gadgets mabuti may nga kagaya nilang nakakapaglaro pa din ng ganito dahil sobrang sarap maexperience ng mga bagay na to kahit madapat ka okay lang kahit maburo ka sa laro okay lang atleast enjoy ka. Naalala ko tuloy sila Nickollo, Lester, si Dezie, Yuan at Tracy. Sila ang childhood friends ko si Sany kasi Transferee lang siya from Province and nalipat sila sa Mandaluyong nung naghigh school siya.

"Tayaa mali yung apak mo bebs!" dinig kong sabi nung bading na nakayellow na sando na nakalalay pa ang damit sa kabilang balikat sa kanan.

"No way!---- irap nito

"Tanong mo pa kay Lou, dibaa Lou di naman ako nataya" pagdepensa neto.

At narinig ko silang nagtawanan..

Nakakatuwa sila ang cute ng bading na mga bata na ito.

"Ano? Dabalyu?" pagbibiro nung medyo malaki sa kanila.

Medyo natawa ako don kaya yung kinakain ko muntik ko pang mabitawan. Natingin sa gawi ko yung isang bata at nagulat ako nung lumapit siya sakin. Pero biglang humarang yung lalaki....

si Ke-eent?

Bat andito 'to? Ohhh my gosh. Taga dito nga pala siya sa subdivision din na kung san ako nakalupa hahayss. May dala itong bola at may kasunod na mga lalaki si Harith, Dave at Renier tapos may isa silang kasamang lalaki pa pero di ko siya kilala hawig siya ni Kent siguro kapatid niya.

"Ano, san punta mo?" sabi ni Kent sa bata.

Tinuro niya ako at inaayang makipaglaro sa kanila pero tumanggi ako sabi ko panonoodin ko nalang sila dahil bukod sa pambata ito and andito ang kunag na si Kent tutal balak kong pumunta sa park aalis nalang ako.

Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko pero tumabi bigla si Kent at hinawakan ang braso ko para mabalik ako sa dati. He smile at me pero umiwas ako dahil nakakairita gurl.. Ano ba trip neto hays!

"Bat lagi moko sinusungitan? Nung una di ka naman ganyan kasunget sakin bakit parang lumalala. Siguro pati pagmamahal mo sakin tumitindi din" sabay ngiti ng nakakaloko at ngumisi naman yung mga kasama niya.

"Alam mo, alam nio inaakaaya niyo oras ko e. Give me a 1000 reasons para hayaan ko kayong kausapin ako!" diniin ko talaga yung huli at sabay tingin kay Kent

Catch me, If I fall (Porcalla Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon