14th Chapter

43 6 0
                                    

They make me feel better.

Malapit na ang pageant kaya araw araw na halos ang rehaearsal. Naalala ko na weekend pala ang bday ko at Friday ang mismong pageant.

After ng rehearsal dumiretso agad ako sa tambayan namin para makpahinga dahil ang sakit na ng paa at ulo ko. Kagagaling ko lang kasi sa sakit ko pero nagpilit na ko pumasok kasi okay naman na ko medyo nahilo lang dahil sa biglang pagrehearse. Sinabi nilang wag na muna ko magpractice pero sabi ko okay lang so yon di ko inaasahang sasakit ulo ko.

Nakaidlip pala ako sa pagod. Nagulat ako nung nasa harap ko na si Les at Kent.

Ano ginagawa ng dalawa na to dito??

"Ano ba ang ingay mo Lester!"

"Wag ka umalis ka na nga kasi pre"

"Ayoko babantayan ko to, ano pa gawin mo e"

Nagmulat ako ng mata at sabay silang natingin sa akin.

Tumayo ako bigla para umalis na, di ko naman sila kailangan ang sakit talaga ng ulo ko. Pero di pa ko nakakaalis sa pwesto ko hinawakan ni Kent ang noo ko, para tingnan ang temperature ko.

"Okay ka na, pero kailangan mong uminom ng gamot"

"Ako na bahala sa kanya" si Lester

"Wag na ako nalang ang gugulo niong dalawa lalo sumasakit ang ulo ko."

Iniwan ko silang dalawa pero nabigo ako dahil nasa likudan ko pa din sila na nakasunod sakin habang nagkakagalit. Ano ba naman tong dalawang to.

Si Kent bakit kailangan ganito siya? Kung mahal nia pa ang ex nia? Dumating pa siya sa buhay ko para guluhin lang ata ako.
Si Lester naman nananahimik na ko biglang bumabalik sa buhay ko.

Himingi si Lester ng gamot at bumili naman si Kent ng tubig nauna bumalik si Lester.

"Eto yung gamot, bili lang akong tubig"

"Hindi na bumili na ata si Kent."

"Ako na magaalaga sayo okay."

Ewan pero bakit hinahayaan ko si Lester na ganito sakin? Oo pumayag ako na maging close pa rin kami kaso ayoko namang pafall pa din siya hanggang ngayon gusto ko nga makamove on sakanya pero bakit patuloy nia kong ginugulo hays.

"Salamat" binigyan ko ng matipid na ngiti si Lester.

"Izee, pwede bang ta----"

Nakikinig ako kay Lester sa sasabihin niya kaso biglang dumating si Kent na may dalang tubig at lunch na din.

"Sabi na dapat di ka na pinagpractice."

"Iwan niyo na kong dalawa salamat nalang"

Iniwan ko silang dalawa don kahit nakakahiya kasi tinutulungan na nga nila ko. Ayoko lang na nakapaligid silang dalawa lalo akong nahihilo naapektuhan ang madamdamin kong puso sht.

Lumapit ako sa side nila Yuan kasi naglelecture lang naman sila. Ayoko naman gumawi kila Tracy dahil anlalakas mag-usap e.

"Okay kalang Ara?"

"Masakit ba ulo mo?"

"Araaa"

Kanina pa pala ako kinakausap ni Nickollo hindi ko yon namalayan sa sobrang pagkabangag. Hindi ko alam pero bigla nalang akong nagiging ganito simula ng malaman ko yung tungkol sa nakita ko kay Lester at sa ex ni Kent.

"May problema ka ba? Besplen mo ko, andito lang ako Ara" ngumiti ng nakakapanghina si Nickollo kaya dahilan para medyo gumaan ang loob ko.

"Medyo sumakit lang ang ulo ko Nick okay naman na din."

He kissed my forehead and hinayaan nia kong dumukdok para maagapan yung sakit ng ulo ko di na ko nagpauwi at malapit naman na magdismiss kaya hinintay ko nalang din sila.

Sa halip na iwan ako mag-isa sa bahay ng Barkada ko, ang ginawa nila dun na muna sila kahit saglit na oras para mabantayan ako. Ganon nila ko kamahal talaga. Kaya mahal na mahal ko din yung mga yon. Kahit mapangasar, mga oa pero maasahan mo pa din sa lahat.

Kaya mas madali gumaling sakit ko dahil sa pagpapangiti at saya nila sa akin sa araw araw.

"Eto pa yung ice cream Izee".

Inabot sakin ni Dezie yung ice cream, hindi ko alam pero kapag may sakit ako Ice Cream ang minsang nakakapagpasaya sakin.

"Thankyou sa inyo a" medyo nagulat sila kasi dahil sa pagsingit ko ng salita na yon habang nagtatawanan sila.

Habang tinititigan ko sila, naaalala ko yung mga araw at bagay na piangdaanan naming mapasaya o malungkot solid pa din. Kaya nga pag may umaaligid sakin o sa iba kong Barkada na pag-ibig hindi namin pinalalagpas ng di dadaan samin yung tao. Gusto kasi namin protektahan ang bawat isa lalo na mahirap ng masaktan. Alam nila yung tungkol samin ni Lester, pero hindi ko nasasabi yung tungkol sa nakita ko. Di ko na dapat pakielaman si Lester pero ang ayaw ko lang bakit ginugulo pa din nia ko? Anong kailangan nia sakin? Ayus na ko e pero bakit nung bumalik siya biglang gumulo yung buhay ko?

Ayoko ng ganitong pakiramdam, ang hirap pala kapag binigay mo noon halos sa taong mahal mo yung lahat, tapos lolokohin kalang din pala.

Napatawad ko naman na si Lester pero iba pa din yung tiwala kong sinira niya kaya ngayon kahit alam kong friends pa din hanggang dun nalang ayoko na ng second chance malay natin may tao palang dadating at mas deserve ang mahalin ko. Lesson nalang sa akin yung nangyari samin ni Lester.

May konti pa kong pagmamahal kay Lester pero hindi na dapat dahil para mas maging masaya ako palalayain ko ang sarili ko hindi ko na para ma-ipagpilitan pa. Dahil ex is ex, closure is good but know your place.

And my place is to avoid him.

------------------------------------------------------

Vote this part and follow my account mwa!❤

Hope you enjoy reading.

Twitter&ig. @justaqtstranger

Catch me, If I fall (Porcalla Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon