New Year Celebration.
Ngayon ang Family Gathering ng Porcalla, nagcountdown muna kami nila Mommy sa bahay kasama ng mga kasambahay namin habang ka-face cam namin si Ate at Kuya. May sarili kaming Room Chat sa facegram anw. After that kumain kami ng masasarap na luto ko char yung dessert ako naghanda tapos sila Mama Mi at si Mommy ang naghanda ng putahe like manok, spagh atbp.
Susunod na din sila Ate dito after nila sa kani-kanilang Pamilya. Para bago kami pumunta sa Gathering kumpleto kaming magceceleb dito sa bahay namin.
Di nagtagal dumating sila Ate kasama ang asawa at anak niyang sila Xymon at Xymine. If I didn't mention kambal ang anak ni Ate nasa lahi namin ang may kambal sa mga anak yung kapatid ni Mommy ang nagkaroon ng kambal na anak kaso nasa London sila. Nalayo kami sa Pamilya ni Mommy kaya ang kaclose namin dito is yung best friend niya na Mama ni Nickollo.
We decided to go na sa gathering, 2pm ang event kaya nakatulog pa ko ng kaunti kahit bitin excited din ako makita si Nickollo at yung Papa niya na after a long year mamemeet ko na din. I wear a fitted long dress with it's vibrant color and shimmering look na bigay sakin ng Mama ni Nickollo and a 4 inch of heels na si Ate naman mismo ang nagbigay.
Sa isang sikat na Circle Place with a beautiful garden and may pagka-hotel ang dating because of it's texture and uniforms of the staffs.
Ang grande naman, iba talaga mga Porcalla sht mapapawow ka talaga. Hindi kami mayaman, average labg pero isang Porcalla, kaibigan ko which is Nickollo? Ops Tatlo sila anyway, Yuan and Emman is also a Porcalla. Magpipinsan silang tatlo hindi ko nga alam nung una pero dahil Barkada ko sila nalaman din namin. So hindi mawawala sila Samy, Tracy at Dezie dito kaaverage ko lang din sila pero kung ikukumpara mo, si Tracy ang mas lamang samin sa ganda ng background sa buhay.
Nakita naman ng nga mata ko si Lester kasama ng Mommy niya, yes nagtataka kayo bat andito yan? Dahil ang Pamilya niya ang kasangga ng Mama ni Nickollo sa kumpanya nila. Kaya kapag dumating ang takdang panahon siguradong mamanahin ni Nicko ang position ng Papa niya.
Sa iisang table kami kaming barkada ang nakapwesto sa kabila sila Mommy at iba pang influence ng kumpanya na to.
Katabi ko si Nickollo, kabila ko si Yuan sumunod si Dezie, katabi nito si Tracy tas sunod si Emman at si Samy. Nagsalita na yung MC nila at ipinakilala na din ang Papa ni Nickollo nagulat kaming lahat ng may tawagin ang Papa ni Nickollo na isang lalaki ang Pangalan nito ay....
Aldous Kent Cordero?
Nakasuot din ng formal si Kent at kita mo sakanya ang kaba ngunit ngumingiti pa din. Ang mapupungay na nga mata, labing napula kahit walang anumang nilagay rito, isang matipunong katawan at maangas na tayo mula paa hanggang ulo ay nakakaattract iba yung dating niya iba yung awra at charisma niya ngayun pero ang tanong bakit siya andito?
Sumunod na tinawag ay si Nickollo pero di namin mahanap ito kaya tumayo agad ako at hinanap ang best friend ko. Mukhang kailangan niya ko ngayon, kailangan niya ng makakausap. Agad akong dumiretso sa labas at hindi ko agad siya nakita sa paligid ng Circle na to pinuntahan ko ang bahay nila pero wala malapit lang ang amin dito tiningan ko din pero wala pa din. Hanap lang ako ng hanap sakanya tumatawag ako sakanya pero out of coverage ni hindi ko din maalala kung ilang beses ko ng isinigaw ang pangalan nia. Nickollo nasaan ka na, kapag nakikita kong ganyan ka ramdam din kita.
Naupo ako saglit sa isang gilid ng kalsada, bumali ako dito sa Circle. Nagulat ako ng may tumakip sa mga mata ko.
"Nickollo!!!" sigaw ko dahil alam kong siya na ito
Pero... paglingon ko
"K-ken-nttt?"
"Akala mo ako si Nickollo?" sabay ngisi nito
Hindi ko siya kinibo at tumingin tingin ako sa paligid ko baka sakaling madaan na si Nicko.
"Nasaan na kaya yon-
"Baka ano mangyari don-- sunod sunod na pagaalala ko
"Sana ako nalang si Nickollo"
May binulong si Kent pero hindi ko naintindihan. Tinanong ko kung ano pero di niya sinagot.
"Bakit ka andito?" biglaang tanong ko kay Kent.
"Hindi ko rin alam"
"Pwede ba wag na tayo maglokohan"
"Okayy, amm isa akong Porcalla"
Whattttt?! Paano? Ha? Bakit? So si Nickollo ay kapatid niya????
"Oo tama iniisip mo, kapatid ko si Nicko sa Tatay. Hindi ko lang ginagamit noon ang apelyido ko dahil delikado. Masisira ang pangalan ng Porcalla kapag nalamang may anak sa labas si Papa, pero simula ng pumanaw si Mama sa Tito ko ako nanirahan nung nabalitaan yon ng Papa nakin ni Nicko kinuha niya ko pinakiusapan niya ko kahit tumanggi ako."
Ikinwento lahat ni Kent sa akin kaya ngayon mas naintindihan ko na kung bakit ganon si Nicko, kailangan ko siya hanapin kaialangan nia ko. Paalis na ko sa pwesto namin ni Kent kanina para balikan ang bahay nila dahil baka nandun na siya pero wala pa din kaya dumiretso ako sa playground.
"Nickollo!" tumingin ito at nakaupo sa isang upuan ng siso habang nagbabato.
Niyakap niya agad ako at niyakap ko din siya. Ayokong nakikitang ganito si Nicko. Umiiyak siya na paeang isang batang kailangan mong subuan ng lollipop para tumahan. Sige lang Nicko iiyak mo lang andito lang ako ha. Mahal na mahal kita.
"Ara, ang sakit"
"Shhhh. Okay lang yan, kaya mo yan tanggapin mo yung katotohanan. Oo mahirap sa una pero unti unti pag tinanggap mo wala nalang yan. Lahat ng mga bagay may dahilan. May dahilan kung bakit nangyayari sayo to sainyo." hinawakan ko ang pisngi nia para tuyuin ang luhang tumlo mula sa mga mata niya.
"Salamat ha, andito ka"
Natawa nalang bigla si Nicko. "Parang tanga to iiyak tas tatawa" sarcastic kong sabi.
"Alam mo ikawww, tama na yan!"
"Oo na, nahirapan lang talaga ako huminga kanina hays. Iloveyouu Ara" sana yung iloveyou na yon di lang bilang kaibigan
"Iloveyou too Nicko, lagi lang akong andito a. Wag ka ng maarte diyan, tayo!" pinatayo ko siya pinasakay ko sa swing na may bubong, sabay naming inuugoy ito at naginhale exhale ng sabay para lumuwag kahit papaano abg pakiramdam ni Nicko kaya tawang tawa kami dahil sa hilo kakaugoy.
Dumiretso kami sa after party. Siyempre New Year e, dapat mag saya dapat walang iniisip na problema. Ito ay isa nanamang pagsisimula sa buhay.
"Happy New Yearrrr!!" naggroup hug kaming barkada at sabay sabay na nagkainan, nagkwentuhan at nagkasayahan buong gabi.
Wala akong babaguhin sa sarili ko dahil kontento ako sa nangyayari sakin ngayon. Hindi man ganoong kumpleto ang pamilya ko pero nananatili akong matatag at alam kong balang araw kapag nakapagtapos kaming lahat at nagkatrabaho mas magagawa na nanamin ang gusto namin at magiging madali nalang sigurado ang lahat basta sikap lang para sa pangarap.
At kay Nickollo,
Ngayon, bukas sa isang araw o sa araw araw. Andito ako para kay Nicko may problema man o wala. Masaya na ako kahit kaibigan ko lamang si Nicko, hindi man ako ang itatadhana sakanya alam kong di ako dapat mawala sa kanya dahil mahalaga siya saken. Dahil siya ang kaibigan ko, alam ko sa sarili ko kung ano ang lugar ko. Aasa ako pero hindi sobra.
Para hindi ganoon kasakit ang rejection kung sakali.
----------------------------------------------------
Vote this part and follow my account mwa!❤
Hope you enjoy reading.
Twitter&ig. @justaqtstranger
BINABASA MO ANG
Catch me, If I fall (Porcalla Series I)
Novela JuvenilFor the short description of this novel. •a love to my altruistic best friend= unexpected love from a logophile guy ---not completed, still updating... •Summarized(Importance). Logophile guy's unexpected love was the only way for her to escape the p...