Back to normal.
Pero parang di rin naman normal lagi ang araw lalo na kapag may mga kaibigan kang mga abnormal kung mga magtawanan at magkwentuhan.
"Panay ang puslit ni Tracy ng pizza nila Izee eno" si Emman
"Oy di no!"
"Si Samy wari pang pumunta nakipaglantudan lang kay Emman" si Yuan
"Ikaw nga puro ka Fries, inubusan mo kami" si Dezie
"Hoy hanggang dito lang!"
"Oh andyan na pala ang 1st Runner Up" si Yuan
"Mokong ka talaga"
"Diba Izee, inubos ni Yuan yung fries nio?"
"Oo yata, di nga ako nakatikim e"pakikisakay ko
"Oh kita mo?! Takaw mo kasi"
"Di ka naman namin kaibigan lumayas ka nga!"
"Oh! Edi ikaw umalis bat ako ha?"
"Magsapakan nalang kayo!" si Tracy
"Ang gugulo niyo ba" sabi ko ng may tawa
"Tama na yan, ikaw yuan kalalaki mong tao dat nilalambing mo yang si Dezie" pagsingit ni Nickollo
"Yownnnn" sabay sabay naming pangsulsol
Tawanan lahat dahil don.
"Makikinig kasi kay Mr.Xavier" sabi ko
"Nakooo! dapat lang"
Bago nagstart ang klase panay kwentuhan dito diyan kami as usual maingay ang klase.
Nagkaroon lang ng konting discussion and quiz. Tumingin ako sa gawing upuan ni Kent pero wala siya? Bakit kaya? Pero parang nakita ko naman siya kanina. Nasan kaya yon?
"May hinahanap ka?" si Lester
"Aaa- wala"
Dumiretso agad ako sa locker room para ilagay ang ilang gamit ko.
Pagbukas ko may cards nanaman. Pang 64 na to. Hanggang ngayon di ko pa din kilala kunsino naglalagay nito and isa pa gusto ko talaga siya makilala dahil ang effort ng ginagawa niya para sakin.
Pagkasara ko ng locker ko bumungad ang mukha ni Lester kaya dahilan para magulat ako.
"Ano gingawa mo dian?!"
"Hinihintay ka?"
"Pero bakit nga?"
"Basta halikaaa"
Hinila niya ako kabod kaya di ako makahiwalay at sumunod nalang sakanya. Nakatingin samin yung mga estudyanteng nadadaanan namin pati si Kent. Umiwas lamg ito at diretsong naglakad.
Dinala niya ako sa rooftop sa gawing dulo ng school. Buti nalamg 5th floor yon at di kami napagod na pumanik hayss buset na Lester naman.
"Ano ba gahawin natin dito? Anong plano mo?"
"Wag ka nalang maingay"
"Maggagabi na bilisan mo lang"
Pagkapanik namin sa taas...
may narinig akong music, which is my favoritee....
Heaven by Bryan Adams.
Habang palakad ako ng dahan-dahan papunta sakanya na naghihintay sa pag-upo ko.
Ramdam ko ang gulat at saya sa puso ko. Pero bakit? bakit niya to ginagawa?
There was only you and me
We we're yound and wild and free
Ang sarap sa feeling ng music and sinamahan pa ng dinner na hinanda nitong si Lester and....
may pa flowers pa siya and may inabot na sulat.
nakasulat dito na...
Be my girl, I'll be your man. Again?
Naluluha ako kasi di ko alam ang gagawin ko. Nalilito ako bakit? Para lokohin nia ko uli? Para saktan ulit?
Tumingin ako sakanya ng matalim.
"Lester please"
"I promise, babawi ako itatama ko na lahat ng pagkakamali ko hindi nabako yung dating Lester na lolokohin at gagaguhin ka. Nagsisisi na ako Ella. Mahal na mahal pa rin kita. Kung gusto mo, hihintayin kita hanggang sa bumalik yung pagmamahal at tiwala mo sakin gagawin ko ang lahat para maging masaya tayo at mapasakin ka ulit"
Sincere ang pagkakasabi ni Lester pero mayroon pa ding bumabagabag isipan ko. Pakiramdam ko ang sama ko kung di ko siya bibigyan ng chance, pero iniiaip ko ding ayoko na ulit masaktan at sa iisang tao pa. Oo mahal ko pa si Lester pero dapat ko pa siyang pagbigyan sa hiling nia?
"Les sorry"
"Ayoko na, ayokong masaktan ulitm Sana maintindihan mo. Hanggang closure nalang talaga maibibigay ko please wag mo na kong balikan. Madami pa diyang iba na mas deserve ko at deserve mo."
"Wag na nating ipagpilitan, masasaktan lang tayong dalawa"
"No, I wont give up on you. Im syill into you Ella. Mahal na mahal kita papatunayan ko sayo yon"
"Tama na Lester. Tama na"
Umalis na ako at iniwan siya pero bigo ako dahil nahabol nia ko at hinarap sakanya. Kumalas ng sunod sunod ang mga luha ko.
"Nalulungkot nanaman ako. Ito'y dahil sa iyo. Bawat pumapatak na luha. Sabay sabay kumakawala"
Isa iyon sa tulang nabasa ko galimg sa cards na natatanggap ko. Parang napapansin ko don na bawat galaw ko alam nung taong nagsusulat nayon.
"Sorry, Ella pinagsisisihan ko na lahat ng ginawa ko. Sana pagbigyan mo akong mahalin ka uli"
"Akala mo ba ganon lang kadali yung hinihingi mo?"
"Les, araw araw ako tinutusok ng nakaraan. Ni hindi ako makakilos ng maayos that time sobrang wasted ko dahil ang dami daming pumapasok sa isipan ko kung saan ba ako nagkulang sayo? Kung bakit nagawa mo sakin yon? Ang daming tanong, ang sakit ang sakit sakit."
"Ang tagal naman na non diba? Nagapologize ako sayo noon?"
"Kahit na, dahil sobra kitang minahal non pero niloko mo lang ako?"
"Sorry, pero Les you should stop it. Okay na ako e, wag mo na ko guluhin ulit please."
"But still, sorry for everything Ella."
He hugged me and tuloyntuloy lang ang pagsasalita niya ng sorry hanggang sa tumahan na ako. At nagusap uli kami ng masinsinan, dahil ayaw naming maging awkward ang lahat sa amin.
"Pero di pa din mawawala agad yung pagmamahal ko sayo Ella a. Basta kung may mananakit sayo upakan natin"
"Wao nagsalita ang di nananakit ng babae"
Sabay kaming natawa. Medyo gumaan na yung loob ko.
Ang sarap pala sa pakiramdam ng magpatawad at maging malaya. Ngayon di ko na poproblemahin ang tungkol sa amin ni Les hayss sana lang. And umaasa akong makilala ko na talaga yung behind that cards. Pero sa ngayon I am focusing myself sa studies, sa friends, family and sa sarili ko ang buhay ko.
Inhale positivities. Exhale negativities.
------------------------------------------------------
Vote this part and follow my account mwa!❤
Hope you enjoy reading.
Twitter&ig. @justaqtstranger
BINABASA MO ANG
Catch me, If I fall (Porcalla Series I)
Novela JuvenilFor the short description of this novel. •a love to my altruistic best friend= unexpected love from a logophile guy ---not completed, still updating... •Summarized(Importance). Logophile guy's unexpected love was the only way for her to escape the p...