5

139 18 0
                                    

Matanda

Nang nasa mismong baryo na kami ni Letty ay para bang nakahinga ako. Ang iilang mga bata doon ay naglalaro ng moro-moro at ang iba naman ay nagtatago sa puno.

Ang grupo ng matandang naghanay sa tindahan habang humalakhak sa kanilang pinag uusapan ay napatigil sa kasiyahan. May mangilan-ngilan sa kanilang masama akong tinignan at iba naman ay ngumiti sa akin.

"Tara na. Baka pati bahay natin angkinin din niya. Anak pa naman siya ni Don Emilio", bulung-bulungan ng ilang kababaihan na may hawak na basket ng mga gulay at kanya-kanyang pumulas sa kanilang mga bahay.

Hindi ko sila pinansin bagkus ay tuwid pa rin akong naglakad habang si Letty naman ay patakbong hinabol ako.

"Will you please faster, Letty? Baka mapatay ako ng mga tao rito", pumantay siya ng lakad sa akin. Akala ko kaya niya ginawa iyon ay para makasabay pero nais niya lang palang magpaalam.

"Bibili lang ako ng kandila. Minsan kasi ay nawawalan ng kuryente dito", sumaglit kami sa isa mga tindahan doon na kahanay ng mga bahay na yari sa pawid at ang ilan ay pinagtagpi-tagping kahoy. Nilibot ko ang aking paningin habang nakatayo ako't iniintay si Letty.

Napansin kong kaunti lamang ang mga bahay doon na yari bato. Ang iba sa mga bata ay sira-sira ang maduming mga damit. Ang ilang kabataang babae ay may hawak na sanggol at nagpapasuso sa maliit na bakuran ng kanilang bahay. Ang isang batang babae ay lumapit din sa kanya at pinunasan niya ang sipon nito gamit ng maliit na tela nitong hawak.

"Pabili na rin ng yelo", sabi ni Letty na hindi pa tapos sa pagbili.

Buti na lamang at naisip niya iyon. Hindi niya ko mapapainom ng hindi malamig na tubig.

Sinamantala ko ang pagbili niya kaya't lumapit ako sa isa sa mga batang naglalaro doon. Nadapa siya dahil sa malaking batong nakaharang sa kanyang dinaanan.

Tinulungan ko siyang tumayo. "Are you okay?"

Sa tagiliran ng aking mga mata isang lalaking iika-ika ang lakad ang lumapit sa amin. Napansin kong may sugat ang kanyang noo. Nang bumaba ang tingin ko sa kanyang tuhod ay balot iyon ng isang tela.

"Opo. Ayos lang po ako. Di ba Ate ikaw yung artista sa TV?", magiliw na tanong ng batang babae. Pinagpag ko ang likuran niyang nadumihan dahil sa pagkakadapa nito.

"Oo. Sinusubaybayan mo ba ang mga teleserye ko?", napakamot siya sa kanyang ulo. Nahihiyang siyang tumango.

"Opo. Pero minsan lang. Wala kasi kaming sariling TV sa bahay. Pinagbili kasi ni Itay"

Niyakap niya ang kanyang ama. "Tay, hindi ba dapat ay nagpapahinga ka sa bahay", batid ng bata ang sakit ng sugat na iniinda ng kanyang ama. Nakakatuwang sa murang edad ay naiintindihan niya ang kalagayan nito.

"Anak, umuwi ka muna sa bahay nang makaligo ka na", agad namang sumunod ang anak sa sinabi nito at patakbo itong umuwi.

Mabilis na nakauwi ang bata dahil ilang hakbang lamang ang layo ng bahay nila sa aming pwesto.

"Mawalang galang sayo, Ineng. Ikaw ba ang anak ni Don Emilio?", tumango naman ako saka ngumiti.

"Opo. Ako nga po"

"Ineng, alam mo ba kung anong klaseng tao ang iyong ama?", malumanay nitong tanong. Nakatingin ako sa mga mata niya. Bakas ang paghihirap at kalungkutan.

"Mang Pedring!", nagulat ako ng hinawakan ni Letty ang braso ko.

"Get off your hands, Letty", pagkasabi ko ay ginawa niya naman iyon. Nalamigan ako sa ginawa niya dahil siguro sa yelong hawak nito.

"Pwede po bang mag usap tayo sandali?", lumayo sila ng bahagya sa aking pwesto kaya't hindi ko rinig kung ano ang pinag uusapan nila. Sumenyas naman si Letty ng sandali lang kaya't tumango naman ako.

Pinagmasdan ko silang mag usap at hindi naman iyon nagtagal.

"Alis na kami Mang Pedring. Salamat po!", tumango naman ang matanda sa amin.

I wonder kung anong pinag usapan nilang dalawa.

"Teka lang po. Ano po bang gusto niyong sabihin sa akin kanina?"

Nagkatinginan sila ni Letty.

"Nais kong sabihin na sana'y maaliw ka sa pag bakasyon mo dito", alam kong hindi iyon ang gusto niyang sabihin. Pakiramdam ko ay may dapat akong malaman. Pero sa kabilang banda ng isip ko ay baka praning lamang ako.

"Let's go. Pakiramdam ko, kanina pa sinusunog ng araw ang balat ko. Sige po, Mang Pedring uuna na po kami", tumawa naman si Letty sa sinabi ko at hinigit ako ng may tricycle na tumigil sa harap namin. Hindi naman ako nag atubili na sumakay. Sa loob ng tricycle  pinagmasdan ko ang matandang iniwan namin na nakatanghod sa sa aming dalawa.

Pagkababa ay nagbayad agad ako at tumanggi pa si Letty sa panlilibre ko sa kanya pero sa huli wala din siyang nagawa.

Nang umalis ang tricycle ay agad na nasabuyan ako ng gabok ng tuyong lupa at inubo ako.

"Nako! Piper! Baka magkasakit ka niyan bawal ka pa naman magabukan", inalalayan niya kong makapasok sa loob ng kanilang bakuran.

"You're over reacting!", tumawa naman siya sa sinabi ko. Alam niyang noon ay ayaw kong magabukan ako pero dahil nagbabago ang tao ay ayos na ito sa akin ngayon. Lalo pa't ang lugar na ito ang naging takbuhan ko noong panahong malungkot ako.

Nang nasa terrace na kami ng kanilang bahay ay agad niya kong pinaupo saka binitbit ang gamit ko sa loob ng kanilang bahay. Habang nakaupo sa mahabang upuang kahoy ay pinagmamasdan ko ang kanilang bakuran. Marami pa rin silang tanim na gulay at nandito pa rin ang paborito kong puno ng bayabas.

Nagawi naman sa pinakalabas nila ang aking mga mata. Kumpara noon ay maraming bahayan dito ngunit ngayon ay tila kokonti na lamang.

"Senyorita Piper!", bulalas ng nakakatanda niyang kapatid. Kasing edad ko lamang ang isang ito. Nakasuot siya ng simpleng puting sando at nakashorts na kulay berde. Magulo ang buhok nito at may hawak na sandok.

"How are you Abel? Parang gumawapo ka yata", ang dating mukhang palaboy ay naging lalaking-lalaking tignan. Malaki ang pinagbago niya dahil bukod sa pumuti ito ay naging maskulado ang kanyang katawan.

"Don't you call me Senyorita again. Wala tayo sa mansyon and I'm staying here for months", laglag ang panga niya sa sinabi ko. Tumayo ako saka nilagpasan siya. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tubig sa pitcher.

Malaki ang pinagbago ng kanilang bahay mula sa labas hanggang sa pinakaloob. Kung dati ay yari ito sa pawid. Ngayon ang kalahati nito ay naging sementado na. Ngunit wala pa rin kisame kaya lampasan pa rin ang hunab ng araw.

"Wow? Hindi ka na pala maarte. Anong nangyari sayo?", hindi ko namalayan na nakasunod pala siya sa likod ko at pinaghila niya ko ng upuan. Sa sulok ng aking mga mata habang pinagmamasdan ko ang kabuuan ng kanilang bahay ay kita kong naghahanda si Letty ng makakain.

Buti naman at nakaluto na siya ng para sa tanghalian. Ramdam ko na rin kasi ang pagkalam ng aking sikmura.

----#ESTA GUERRA----

Esta Guerra (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon