Napaibig
"Anak hindi na", sabi ni Mama habang binabasa ang dokumentong iniwan ng abogado nito sa kanya.
Nasa may opisina kami ni Papa.
Nakaupo ako sa isa sa mga mahabang upuang nandoon.
"Ma please! Malapit na kong umalis. Isa at kalhating buwan na lang", pagpupumilit ko. Ayaw niya kong bumalik kila Letty dahilan niya ay mapanganib doon. Nalaman niyang may mga rebeldeng grupo muli ang nagpakita sa baryong iyon.
Nagpaalam din ako kay Papa pero ang sabi nito ay na kay Mama pa rin ang desisyon. Ngunit heto nahihirapan akong kumbinsihin siya.
Napag usapan pa naman namin ni Cade na mamasyal kaming perya mamayang gabi.
"It's dangerous for you anak. Makinig ka na lang", tumayo siya matapos pirmahan ang ilang papeles. Si Atty. Tecson naman ay may binulong sa kanya.
"We'll talk about it later", sabi ni Mama at tumango ang lalaking malinis ang pagkakagupit.
"Piper listen to me okay? You should come back in Laguna. Hindi na maganda ang ihip ng hangin ng lugar na ito. It's for your safety", hinaplos niya ang buhok ko saka niyakap sandali.
Her eyes looks tired. Hindi na lamang ako nakipagtalo. Mapapagod lang ako. Saka may isa pa naman akong binabalak. Sa isip ko ay napangiti ako.
"Sige, Ma hindi na ko pupunta doon. Pero hindi pa rin ako babalik ng Laguna"
Ngumiti ako sa kanya saka iniwan siyang hinahaplos ang sariling sentinido.
"Hindi yon pwede", pagmamatigas ni Letty ng inagaw niya sa akin ang kobre kamang nilabhan niya.
"Letty? Please?", ngumuso ako saka pinagkrus ang kamay ko pero parang walang talab sa kanya. Patuloy lang siya sa pagsasampay.
"Just for once!", pagmamaakawa ko.
"Sabihin mo na lang kay Cade na hindi ka pwede. Maiintindihan niya yon", tamad siyang tumingin sa akin pero hindi ko pa rin siya tinigilan.
Natulog akong maghapon. Hindi rin naman natawag si Cade kaya inip ako. Ayoko rin manood ng TV dahil puro kaplastikan ang nandoon lalo na yung tungkol sa showbiz.
Ilang beses akong bumangon sa kama bago nag isip-isip. Siguro si Abel na lang ang isasama ko. Pero hindi rin siya sumasagot sa tawag ko.
Dumating ang gabing iniintay ko. Sabay-sabay kaming kumain nila Papa. Masaya silang nag uusap ni Mama sa mga bagay na tungkol sa mga ka-sosyo namin sa negosyo.
Bawat pagsubo ko ng pagkain ay nakatingin ako sa wall clock. The sound of it gives an exciting feeling to me.
"Hey? Focus on your food", aniya Papa. Nagtaka akong napatingin sa pagkain kong kaunti lang ang bawas.
"By the way hindi ba nabanggit sayo ni Arrow na ang pamilya niya ang mag aasikaso for your upcoming birthday?", sambit ni Mama saka pinaglagay ng tubig si Papa sa baso nito.
Oo nga pala. Anong araw na ba ngayon? Hindi ko namalayan na malapit na ang birthday ko. Parang kailan lang ng nagpunta ako dito. Bumibilis ang araw kasabay nito ang pagkonti ng oras namin ni Cade ng magkasama.
"Senyorita!", aniya Sandra isa sa aming kasambahay. Hindi ko alam kung bakit alas otso ng gabi ay nandito siya sa labas.
Ilang beses akong dumungaw kanina pero hindi ko siya napansin.
"Saan ka pupunta, Senyorita?", napansin niya ang bestida pang alis saka ang bucket hat ko.
"Sa perya. But please don't tell anybody okay? At saka...", tumingin ako sa paligid. Nasulyapan ko ang lalaking kumamot sa ulo bago kumaway sa akin.

BINABASA MO ANG
Esta Guerra (COMPLETED)
RomanceSi Pilley "Piper" Perouzé Roshan, isang sikat na artista. Kaisa-isang anak ng gobernador ng kanilang bayan na si Don Emilio Roshan at ni Donya Leonora Roshan na dating sikat na aktres. Masasabing mayaman sila dahil bukod sa dating artista ang kanya...